Chapter 3 : The Lil' Demon

21.4K 1.6K 1.7K
                                    


she's so mean - matchbox twenty

she's so mean - matchbox twenty

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


With my speakers at maximum volume, I kept jumping around my bed while singing at the top of my lungs. "So it's gonna be forever! Or it's gonna go down in flames! You can tell me when it's over! If the high was worth the pain! Got a long list of ex-lovers! They'll tell you--"

"Shut the fuck up, Joanna!" Biglang bumukas ang pinto at dire-diretsong pumasok si Kuya Lorenzo na nakasuot ng jeans at white sando. Magulo ang kanyang basang buhok at naniningkit pa ang mga mata, halatang antok na antok pa. 

"Boys only want love if it's torture!" I continued singing at the top of my lungs, pointing at him angrily. "Don't say I didn't! Say I didn't -- Kuya naman eh! Nagco-concert pa kami!"

Wala akong nagawa nang biglang pinatay ni Kuya ang speaker. 

"Anong kami? May mga multo kang kasama?" pabalang niyang tanong. Attitude agad kahit umagang-umaga.

"Kami ni Taylor Swift!" giit ko. "Labas ka nga! Panira ka sa umaga!"

Ngumiwi si Kuya. Ganyan naman talaga siya lagi, umaarteng nandidiri sa mga ginagawa ko kahit siya 'tong 700 times na mas nakakadiri ang ginagawa sa buhay. 

"Mom said maligo ka na raw at bumaba na agad! Breakfast is ready, maubusan ka pa ni Sawyer ng pagkain doon," aniya at lumabas ng kwarto, padabog pang sinara ang pinto.

"Nandito naman si Bakla?" Napanguso ako at nag-ekis ng mga braso. Hindi na bago ang pagtambay niya rito sa bahay, pero ba't parang dumadalas these past few months?

I gasped when a thought suddenly crossed my mind. "Wait, does he have a crush on Kuya?"

Natawa ako at mabilis na napailing. Silly me. Sawyer's gay, not crazy. Hindi siya magkakagusto sa kuya kong siraulo. I bet he only sees Kuya and the others as his friend. I mean, kung may magugustuhan man siya, I think it would be Kuya Jethro or Apollo? Sila lang naman 'yung ideal sa kanila eh. Malas lang talaga ni Sawyer if ever dahil sa tingin ko ay may gusto si Kuya Jethro kay Silver, at siyempre I have invisible dibs na kay Kuya Apollo.

Hay. Kailan kaya maga-out si Sawyer? It's been about two years since I learned about his secret, but hanggang ngayon wala pa rin siyang idea na alam ko na. I mean, parang awkward din naman kasi if I'll say 'Sawyer, alam ko na palang you're gay'.

Coming out is his choice, but I wish I could help him in some way without seeming like I'm meddling.

"Ay ewan. Power for Sawyer!" Napabuntong-hininga na lamang ako at napasuntok sa ere para sa kanya.

Instead of dwelling on Sawyer's lovelife, I went ahead and prepared for my first day in college.

After taking a shower, nadatnan ko si Yaya Shakira na naglalatag ng mga damit sa kama ko. She turned to me and smiled. "Joe, sabi ni Ma'am ito raw 'yung mga damit mula sa France. Pili ka lang daw dito anong susuutin mo ngayon."

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon