Chapter 28 : Crushing

12.1K 1.1K 2.2K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Dude, I swear, parang sadya tayong pinaghiwalay lima. Biruin mo, 5 groups lang sa class tapos wala sa ating nagkasama," paghihimutok ni Argentina habang lumalamon ng cassava cake, walang pakialam sa mga guro at estudyanteng dumadaan. Gaya ng dati, nakatambay ulit kaming lima sa karaniwang mesa sa cafeteria.

"Yeah, pansin ko rin." I sighed and took a sip from my cola.

"Malamang magkakahiwalay tayo! We had to count 1 to 5 and tayong lahat magkakatabi!" Izzy said, being our usual voice of reason. 

"Alam n'yo, ramdam ko ring lagi tayong pinaghihiwalay ng mga teacher natin?" Goose tilted his head while staring blankly ahead. 

"Kung ako 'yong teacher, ayaw ko ring pagsamahin tayong lima." Chewy paused just to chow down on his instant noodles. One big slurp and he wiped his lips. "Alalahanin n'yo nga kailan tayo may nagawang matinong group presentation na magkasama?"

Natahimik kaming lahat, pare-parehong nag-isip, at sa huli ay nagsibuntonghininga.

Chewy was right. Riot lang kami lagi kapag magkakasama.

"Remember no'ng muntik tayong mag-away-away lahat kasi pare-pareho nating gustong maging narrator?" Argentina said, bursting out laughing.

"Or 'yong nag-report ako tapos tumalsik ang laway ko. Hindi kayo nagbulagbulagan, mga hayop," sabi naman ni Goose at isa-isa kaming tiningnan nang masama.

"My God! Remember when we had to act like a family?" Izzy shivered. 

"At ginawa n'yo akong rebeldeng anak na laging humihigop ng rugby," pagpaparinig ni Chewy sabay singhal.

"Bro. . ." Goose looked at Chewy flatly. "At least hindi ikaw 'yong ginawang family pet."

"At least hindi kayo 'yong laging nasasampal!" I raised my hand and expressed my grievance. 

Bigla na lamang humalakhak si Argentina. "Thank you guys at ako lagi 'yong kontrabida na nananampal."

I glared at Argentina. "Humanda ka talaga sa'kin oras na malaman ko sino ang crush mo."

Mabilis na naglaho ang ngisi sa mukha ni Argentina. Umiwas siya ng tingin at nagkamot ng leeg.

"Pero hindi naman masyadong masama 'yong pagiging maingay natin 'di ba? Naalala n'yo 'yong sabi sa atin ni Prof. Arturo?" sabi naman ni Chewy. "Ano nga ulit 'yon? Empty cans. . ."

"Empty cans are the loudest!" Argentina supplied.

Chewy and Argentina high fived each other, both giggling like the noisy fools that they are. Goose, Izzy, and I could only stare at them in disbelief.

"You do know that's not a compliment right?" 

Napalingon ako at nagulat ako nang makitang nasa likod ko na pala si Sawyer. Nagbaba siya ng tingin sa akin at ngumiti sabay abot ng isang baso ng choco tapioca.

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon