Chapter 15 : Assignment

13.6K 1.4K 2K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"May assignment?!" bulalas ko pagkatapos naming sabay-sabay na mananghalian.

"Meron pala?" sabi naman ni Chewy kahit siya 'tong hindi umabsent.

"Hala, tama! 'Yon palang sa Science!" Goose gasped. Isa pa 'to.

Argentina let out a loud chuckle while shaking her head. "Ano ba naman kayo, maging responsable nga kayo. Ano na lang ang gagawin ninyo kung wala kami?"

"Kinopya mo lang din sa akin uy!" pabirong pambubulgar ni Izzy dahilan para agad takpan ni Argentina ang bibig niya.

Kantyawan dito, kantyawan doon. Pero sa huli, nagkagulo kami lalo't ilang minuto na lang ang natitira bago magsimula ang Science class namin.

"Joe, bilisan mo paggupit!" sigaw ni Goose sa akin habang maingat kong tinutupi ang 1-whole yelllow pad bago ito mano-manong gupitin. Malas, walang gunting!

"Joe, lawayan mo na!" giit ni Chewy.

Nanlaki ang mga mata ko. "But the germs?!"

Inagaw ni Goose ang papel mula sa akin at nagimbal ako nang dinilaan niya nga ang nakatuping dulo ng mga ito. 

"Ang mukha ni Joe! Ang mukha ni Joe!" panay ang tawanan nina Argentina at Izzy.

"Anong klaseng penmanship 'to?!" bulalas bigla ni Chewy habang nakatingin sa papel ni Argentina.

"Gago ka, Chew! Mango-ngopya ka na nga lang! Akin na nga!" Argentina was about to attack Chewy, but Izzy was quick to hold her down.

We scrambled to copy Izzy and Argentina's homework. Oo nga't taranta na kami dahil malapit nang tumunog ang University bell, pero hindi pa rin namin mapigilang magtawanan lalo't maya't mayang pinagt-tripan nina Chewy at Goose ang penmanship ni Argentina.

Hanggang sa makarating kami sa classroom, panay ang tawanan at asaran namin. Kahit nang makita ko sina Mimi, Remy, at Megan at pare-parehong bagong ligo at bihis, hindi pa rin nagbago ang mood ko.

Sure, I was devastated when I overheard their conversation about me. I even thought my life was as good as over. However, now I feel a little better.

Masakit para sa akin na nauwi lang sa ganito ang matagal naming pagkakaibigan, pero mas mabuti na rin siguro 'tong malayo kami sa isa't isa para huwag na kaming magkasakitan pa. I just hope someday they find it in their heart to forgive me for all the wrong things I may have done to them. I hope someday I can look back at our friendship without any sense of doubt.

I also wish this anger lingering in my heart would melt away in time.

I looked at Izzy, Argentina, Chewy, and Goose who are still laughing around while throwing banters at each other. I'm really lucky to meet them at what feels like the lowest point of my life.

***

"Siraulo 'tong si Cyprus. Ba't antagal niya? Gusto niya bang masesante?" kunot-noong tanong ni Argentina habang nasa ilalim kami ng waiting shed. Nag-aabang silang apat ng jeep at tricycle, samantalang ako naman ay hinihintay si Cyprus.

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon