Chapter 11 : The Joepon

13.4K 1.4K 2.1K
                                    

Hello! Sorry once again for not being able to update in a while. These past few months have been pretty tough and I couldn't find the time or energy to write. Medyo sabog din ang utak ko so feel free to call me out if you notice any holes here so I can fix them. Thank you thank you.

By the way, I'm happy to announce that the second part of "Good night Enemy" has been released! It will soon be available in bookstores, but right now you can get your copies on Psicom's Shopee and Lazada accounts, as well as other platforms. 

The book features new scenes and I also fixed some details. You can get the book for about Php 195. Sana magustuhan n'yo <3


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napatitig ako sa mga breakfast na inihain ni Yaya Shakira sa harapan ko. 

"Tikman mo nga kung sakto lang ang alat?" biglang sabi ni Yaya kaya naman napatulala ako.

Alat... Asin... Multo... Tito ni Argentina.

"I am so stupid..." Nasabunutan ko ang sarili nang maalala ang lahat ng ginawa ko sa Tito ni Argentina. Ang gulat sa mukha niya ng paulanan ko siya ng banal na salita, gospel songs, asin, bawang, holy water — Ang laki kong tanga, forgive me!

"Bata ka! Baka makalbo ka! Kagabi mo pa sinasabunutan ang sarili mo!" Lumapit sa akin si Yaya Shakira at naglabas ng suklay mula sa bulsa niya. "Ano ba kasi ang problema?! Tingnan mo oh? Para nang sinabutan ng sampung demonyo 'tong ulo mo."

Sampung demonyo? Walang-wala sila sa sungay ni Argentina San Carlos!

Bakit ba ako nagpauto sa kanya?!

"I am so stupid!" Napaiyak ako at muling napasabunot sa sarili ko. Mabilis na pinagpapalo ni Yaya ng suklay ang mga kamay ko kaya mas lalo akong naiyak. 

"Ano ka ba! Hindi ka stupid!" giit ni Yaya at pilit na binaba ang mga kamay ko.

Nahinto ako sa pag-iyak at napanguso. "T-Talaga po?"

"Nah. You're super stupid!" Biglang sumulpot si Kuya Lorenzo mula sa kung saan at humalakhak nang malakas.

"Lorenzo!" sita kaagad ni Yaya sa kanya pero ngumisi lang si Kuya at naupo sa tapat ko.

Lalo akong naiyak at napayakap na lang kay Yaya. "Ilibing n'yo na ako! Wala na akong mukhang maihaharap sa mundo!"

"Hindi ka pa ba sanay na mapahiya?" Dumampot si Kuya ng hotdog at lumamon. "May mas lalala pa ba doon sa nabangga mo 'yong mga bulag na nakasalubong mo sa daan?"

Humiwalay ako mula kay Yaya at agad na dinuro si Kuya. "I was distracted, okay!"

Yaya chuckled. "Or 'yong may hinabol kang biker kasi akala mo nagbebenta siya ng ice cream?"

"Good one, 'Ya! Grabeng kahihiyan yon." Tumawa nang pagkalakas-lakas si Kuya. "Imagine mo, nagba-bike ka lang tapos biglang may humabol sa'yong batang mukhang si Sadako?!"

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon