Chapter 30 : Joey Strikes Again

10.6K 1.1K 942
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"A-Anong bokya?" mahinang sambit ni Cyprus, kunot-noo at tila ba hindi sigurado.

Mabilis akong napaayos nang upo at napakurap-kurap. "Bokya!"

"Bokya?" he looked confused, but the corners of his lips began to rise.

The ghost of his smile made my heart flutter. Dapat malungkot ako, pero para akong tangang nahahawa sa ngiti niya. 

"Uhm . . . " I moistened my lips as I tried to hold off my smile. "Bokya kasi wala na ulit akong driver?"

"Teka, ba't mukha kang masaya?" Napanguso siya kasabay nang paglaho ng ngiti niya. This is the first time I've seen this kind of facial expression from him! Parang cold baby demon na nagtatampo. So cute!

"Hindi kaya!" Umiling agad ako. "I may be smiling right now, but tonight I'll be crying in my room while listening to Taylor Swift's sad songs!"

He looked at me with a blank expression, unmoving. 

It was my turn to pout and glare at him. 

"Mga kalokohan mo, Joana Cohen." He sighed and just put rice on my plate. He looks so done with me.

"Wait, did you just use the Joana Cohen tone on me?" Sandali akong natigilan.

Kahit siya ay huminto rin sa ginagawa at muling napatingin sa akin. "What tone?"

I grinned and tilted my head. "The tone people use when they're so done with my bullshit."

Napakurap-kurap siya, walang emosyon pa ring nakatingin sa akin. "But I'm not done with your bullshit."

Namilog ang mga mata ko. Tawang-tawa kong tinakpan ang bibig ko sabay turo sa kanya. "Hala! Nagmura ka! Marunong kang magmura?!"

Cyprus' face broke to a smile. Nagpatuloy siya sa paglalagay ng kanin sa plato ko at binuhusan pa ito ng barbecue sauce gaya ng lagi kong ginagawa. "Sino bang nagsabing hindi ako nagmumura?"

"I've never heard you cuss before?" I chuckled.

"Kasi wala namang rason para magmura ako." Pagkikibit-balikat niya.

"Really?" I jokingly squinted my eyes while looking at him sternly. "How about in your mind? You look so cold and serious, I would assume lagi mo kaming minumura sa isip mo."

He sat back in his chair and laughed lightly, shaking his head. "Gutom lang 'yan. Kumain na tayo."

My lips stretched to a flat smile as I continued to jokingly glare at him.

"Ano?" tanong niya, natatawa.

I grabbed a stick of isaw, still glaring at him. "Ilang beses mo akong minura sa isip mo when I went all ghost slayer on you?"

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon