Chapter 39 : This is Goodbye

9.3K 1K 680
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Izzy wrapped me in a bear hug the moment I entered their house. Her embrace felt so comforting, I just wanted to melt in her shoulders.

"You'll be okay," she whispered reassuringly.

I took a deep breath and closed my eyes tightly. I could already feel my lashes getting wet by my impending tears.

"I will be okay." I whispered back and smiled, nodding to convince myself.

"That's our girl." Izzy chuckled, and I could already tell the proud glimmer in her eyes.

Nang bumitiw kami sa isa't isa, napatingin ako sa direksyon ng sofa at saka ko lang napansin sina Argentina, Goose, at Chewy. Pare-pareho silang nakangiwi habang nakatingin sa amin.

I spread my arms wide and grinned. "Where's my hug?"

Kagaya ng inaasahan ko, pare-pareho silang umiwas ng tingin at kanya-kanyang kumuha ng pizza mula sa center table.

"Ba't ka nga pala nagpa-emergency meeting?" tanong ni Argentina habang kumakain, hindi man lang tumitingin sa direksyon ko. Looks like Cyprus kept his promise that he won't tell Argentina about my transfer.

"Oo nga? At dito pa kanila Izzy," komento naman ni Chewy sabay ngiwi.

"Sorry ha! Bawal kasi akong gumala!" Izzy grabbed the nearest couch pillow and threw it to Chewy, hitting him straight in the face. Tawang-tawa kaming lahat.

"Daig ka pa ni Dora the Explorer!" pang-aasar naman ni Goose, dahilan para siya naman ang batuhin ni Izzy. Lalo kaming nagtawanan.

Naupo na lamang ako sa sahig, malapit sa kinauupuan ni Goose. Kumuha ako ng isang piraso ng pizza at tumingala kay Izzy na naupo sa likuran ko. "Are your parents here?"

"They're at church," Izzy answered.

"Can't relate?" Humalakhak si Goose sabay tingin kay Argentina na nasa tapat namin. "Sasabit ba ang sungay?"

The entire living room was filled with laughter once again.

"Gusto mong isabit kita sa bubong?" Argentina flashed the sweetest smile.

"Sobokan! Sobokan!" Chewy cheered dahilan para siya naman ang samaan ni Argentina ng tingin.

"You do realize pwedeng-pwede kitang bigwasan, right?" Argentina asked, palibhasa sila ang magkatabi.

"Tawang-tawa ka, Joe?!" biglang napunta ang atensiyon ni Chewy sa akin.

"Hala, Joe! Parang aawayin ka oh?! Ilabas ang basurahan!" bulalas ni Argentina kaya lalo na naman kaming nagtawanan.

"Ginagawa n'yo talaga akong kriminal!" pabiro kong reklamo sabay aktong babatuhin sila ng pizza.

Panay ang asaran at tawanan naming lima. Isa-isa kong pinagmamasdan ang masasaya nilang mukha, sinusulit ang bawat sandaling kasama sila bago pa man ito tuluyang maging isang alaala ng nakaraan.

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon