The love I have for my friends is immeasurable. Seeing them makes me happy, and hanging out with them is something that I'll always be grateful for—pero bakit sa lahat ng araw, ngayon pa nila napiling sumugod sa apartment ko?
"You don't have a bed?" Agad napangiwi si Argentina nang makita ang loob ng kuwarto ko.
"Baka closet niya lang talaga 'to?" komento naman ni Hope habang nililibot ang paningin sa buong silid.
"Where do you sleep?" Izzy looked at me, worried.
I pointed at the couch. My cheeks warmed when I realized that Cyprus was sitting there, looking at me dumbfounded. Naalala ko bigla ang ginawa namin dito.
"Ha?" He mouthed with a blank expression on his face.
"The couch"—napakurap-kurap ako—"I sleep on the couch."
I managed to crack a smile at Cyprus. Although confused, he managed to do the same.
"Akala ko sasabihin mong natutulog ka kay Cyprus!" Humalakhak bigla si Argentina, dahilan para mapuno ng tawanan ang buong apartment. Kami lang yata ni Cyprus ang hindi natawa.
Nahiya ako bigla kay Cyprus kaya umiwas ako ng tingin. Dumako ang mga mata ko sa kitchen area at nakitang nakaupo na si Goose sa mesa, pumapapak ng Nutella mula mismo sa bote gamit ang isang kutsara. Si Chewy naman ay nangre-raid na ng refrigerator ko.
"Puwede ka rin namang matulog doon sa kuwarto ni Cyprus, magkakilala naman kayo." Tumingin sa akin si Goose at ngumisi habang dinidilaan ang kutsara ng Nutella. Kung hindi ko lang talaga siya kilala, iisipin kong manyakis siya.
Lumingon si Chewy sa amin at doon ko lang nakitang may red ice popsicle na sa bibig niya. Sandali niya itong tinanggal sa bibig niya upang humakhak at magsalita, "Gusto mo 'yon, Mojoe?"
My heart hammered and it felt like my face was set in flames. As if on cue, lumapit sa akin si Hope na may hawak nang walis. "Hit him like a Piñata."
"Hope naman!" Chewy was quick to cry out, much to our enjoyment.
***
Cyp
5:23 PM
Joe:
U okay there? Sorry sa ingay nila. Kinailangan mo tuloy bumalik sa unit mo para lang maka-focus sa work
Cyp:
Okay lang, patapos na ako. Sa labas tayo magdi-dinner or delivery lang?
Joe:
BINABASA MO ANG
The Fool's Gold
Fiksi UmumFHS # 6 | Dubbed as the golden girl of Filimon Heights, everyone thinks Joana Cohen has everything a girl could ever want. However, what she has is the very thing that keeps her from getting what she truly wants. With a life riddled with misconcep...