Chapter 14 : Oh Brother

14.9K 1.5K 1.8K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kylie Jenner, is that you?" 

Napakamot ako sa ulo ko at nilibot ang paningin sa paligid. Antok na antok man, pinilit kong dumilat. Hindi ko alam nasaan ako at kung bakit nasa harapan ko si Argentina na tawa nang tawa.

"Espirito ni Joe, nandito ka pa ba?" Nakita ko naman si Izzy na naupo sa tapat ng kanyang vanity mirror. Tawa nang tawa while in the middle of her skincare routine.

Napabuntong-hininga ako at napahiga ulit sa kama ni Izzy nang maalalang nag-sleepover nga pala ako sa bahay nila para gumawa ng project. I folded the pillow I'm using and used the other half to cover my face.

"Bootleg Kylie Jenner, rise and shineee!" Argentina sang close to my head and even slapped the side of my butt.

Ayaw akong tantanan ni Argentina kaya sa huli ay bumangon na lamang ako.

"What happened to your lip?" tanong ni Izzy kaya napahawak agad ako sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing para itong namamaga at namamanhid. Dali-dali akong lumapit sa vanity mirror at napasinghap ako nang makitang namamaga nga ang upper lip ko!

Biglang nag-flashback sa isip ko ang pagsigaw ni Cyprus at pagbato niya ng helmet sa akin. OMG! Sa face nga pala ako tinamaan!

"Is that why you didn't show up for days?" Kunot-noong tanong ni Argentina.

"Hindi yata? Hindi naman 'yan masyadong namamaga kagabi?" komento naman ni Izzy.

"Nakagat siguro ng lamok?" I shrugged, trying to play it cool. My Mom's going to kill me!

"Or baka hinalikan ka ni Cyprus?" Argentina slowly turned her head towards me, eyes wide open.

Argentina's been making fun of me since last night. Might as well give back the favor.

"Bless Tita," I mimicked Cyprus' serious demeanor and raised my hand.

Mabilis na ngumiwi si Argentina at umiling. "No way. May taste si Tito."

"Izzy, paabot ng cartolina!" I quickly cried out. 

***

Izzy's parents were really nice. Bukod sa ipinagluto nila kami, nagpabaon pa sila ng fruit salad. Nakakatuwa kasi galing sa can ang fruits at cream na ginamit nila. I like it better than the fresh fruits and mayo that Yaya always uses.

They were also nice enough to give us a ride home kaya hindi na namin naabala pa si Cyprus.

"Kumusta pala si Izzy sa university? May umaaway ba sa kanya?" Mr. Javier asked, looking at us through the rearview mirror. I couldn't help but feel a little jealous. Sana all worried ang parents.

"Wala naman po. Kasundo naman po niya ang lahat," Argentina said without even thinking twice.

I think she purposely lied to him because wherever we go, may mga estudyante pa rin na napapatingin at nagbubulungan sa tuwing nakikita si Izzy. They don't even care kahit naririnig sila ni Izzy o sinasamaan sila ni Argentina ng tingin.

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon