I woke up to the sound of someone throwing up in my bathroom. My head was pounding, but I forced myself to get up and that was when I realized that I was lying on my living room floor, still dressed with last night's outfit.
Someone grunted from behind me at doon ko lang napansin sina Izzy at Hope na pilit pinagkakasya ang mga katawan nilang nakahiga sa magkabilang bahagi ng sofa. Their feet were literally touching each other's.
Naramdaman kong biglang may yumakap sa bewang ko, paglingon ko ay nakita ko si Argentina na napakahimbing ng tulog. Being the designated sober friend really drained her energy.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Argentina na nakayakap sa akin. Bumangon ako at doon ko lang napansin si Chewy na nakaupo na sa dining table, humihigop ng kape habang nakatingin sa kawalan. Napakagulo ng buhok niya at halos 'di pa niya mabuksan nang maayos ang kanyang mga mata.
"You look like a freaking zombie na walang energy," I hissed as I walked up to him and grabbed a seat for myself.
"Sasabihin ko sanang mukha kang taong grasa, pero insulto 'yon sa mga taong grasa," ganti naman niya sa akin habang hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan. He destroyed me even without looking at me, hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka maiyak lang ako sa susunod niyang igaganti. My fault for trying to mess with him.
"Pota! Hindi na ako maglalasing ulit!" We heard Goose cry out from the bathroom, but we just ignored him. Bukod sa medyo malala ang hangover namin ni Chewy, pareho rin naming alam na hindi pa rin naman hihinto sa pag-inom si Goose. Baka nga siya pa ang magyaya sa susunod.
Bigla akong nainggit sa iniinom ni Chewy, kaso masyado akong tinatamad para magtimpla ng kape para sa sarili ko.
I smiled inwardly. "Chewy, naalala mo 'yong na-offend mo si Hope sa isa sa mga biro mo, tapos nagtampo siya sa 'yo? Sino 'yong tumulong sa 'yo na magkabati—"
"Sa susunod sabihin mo na lang na magpapatimpla ka ng kape." Chewy sighed and stood up, hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Thank you." I could only smirk.
All of a sudden, there was a knock on the door. My ears and heart perked up in an instant. Tatakbo sana ako patungo sa pinto, pero bigla kong naalala ang hitsura ko. Nag-panic ako at dali-dali na lamang na tumakbo patungo sa kuwarto.
Wala na akong oras para maligo kaya ang ginawa ko na lamang ay dali-dali akong nagbihis. I wore a clean white shirt and pants, tied up my hair to a ponytail and quickly put on some make-up. Halos paliguan ko rin ang sarili ko ng cologne at deodorant. Wala na rin akong oras para mag-toothbrush kaya dali-dali kong hinanap ang tictacs ko at binuhos sa bibig ko ang natitirang laman nito.
I ran to the mirror and that was when I noticed the excited smile on my face. Ang epekto mo talaga sa akin, Cyprus San Carlos!
Before going out of the door, I took deep breaths and jumped a little. By the time I was ready, I went out, trying to look calm and composed.
BINABASA MO ANG
The Fool's Gold
Ficção GeralFHS # 6 | Dubbed as the golden girl of Filimon Heights, everyone thinks Joana Cohen has everything a girl could ever want. However, what she has is the very thing that keeps her from getting what she truly wants. With a life riddled with misconcep...