Chapter 12 : Rekt

15K 1.3K 2.4K
                                    

hello hello! sorry for the inconsistent spelling / word order, medyo naliligaw lagi ng utak ko haha. It's Chewy Crispy Coco :)

 It's Chewy Crispy Coco :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I sighed the moment I got in the backseat of the car. I noticed Cyprus looking at me through the rearview mirror, so I sat up straight, crossed my legs, and held my head high.

"Siguro nagtataka ka bakit ako may black eye ngayon." I channeled my inner Jessica Soho, clasping my palms together. 

He looked away and started the engine. As he did, I sighed once again.

"Nagsimula ang lahat sa caferia kaninang umaga."

***

Suot ang P.E uniform, pumasok ako sa cafeteria bitbit ang mga cartolinang hindi na halos mahitsura. Sinubukan kong maghanap ng bago kaso mukhang minamalas si kuya dahil ubos na raw ang mga binebenta nila.

"Libre!" Halos madapa ako nang biglang may umakbay sa akin nang patalon. Kung hindi ko nabalanse ang sarili ko, tiyak pareho kaming bumagsak!

Napangiwi ako nang makitang si Haji na naman pala. Paulit-ulit ko siyang pinagsisiko. Gagamitin ko sanang pamalo ang cartolina kaso masyado na itong overused.

I asked to meet him here so that I can hand him kuya's stuff, kaso as usual ako naman ang pinag-tripan.

"Siraulo talaga 'tong kapatid mo. Cartolina na nga lang ang ambag niya, yupi-yupi at marumi pa." Napangiwi si Haji nang iabot ko sa kanya ang mga kartolina.

Ngumuso na lamang ako at tumango-tango sabay tago ng mga daliri kong hindi mapalagay. "Oo, siraulo nga 'yon."

Bumuntong-hininga siya at niyakap ang mga cartolina. "Tutal nandito ka na--"

"Uy! Nice! May manlilibre!" Biglang may gumulo nang buhok ko. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino kasi isa lang naman sa mga siraulong friends ni kuya ang walang shame na manggugulo sa cutie kong hair.

"Ikaw ang dapat manlibre." I slapped Sawyer's hand away jokingly.

He laughed and pointed one of the stalls. "Choco Tapioca?"

Sawyer and I rarely got a long, but ever since this Choco Tapioca brand came into the city last year, we began to have a common ground. The best part is that lagi niya pa akong nililibre.

As much as I like Choco Tapioca, I have to decline.

Umiling ako. "Thanks but we have a game in a few minutes. I might throw up if I play on a full stomach."

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon