"Ang galing mo nang maggantsilyo, hija!" My heart lit up like fireworks at Lola Georgia's compliment. Worth it ang lahat ng sakit sa leeg at ilang araw kong pagpupuyat para lang matuto mula sa mga youtube videos.
Ever since we returned from the botched wedding, I've been openly hanging out at their home even if Cyprus wasn't around. Besides the fact that I wanted to grow close to his parents, I also didn't like to stay at our house lalo't laging wala ang mga magulang ko. Kung nasa bahay naman sila, wala akong ibang naririnig kundi ang mga problemang dala ng pag-urong ni kuya sa kasal. Mom and Dad are really ashamed for what happened, plus upset at the fact that they lost a lot of money on some grand wedding that did not happen.
As much as I wanted to leave Filimon Heights and stay at Rendelson with Cyprus, I couldn't. Remy didn't answer my calls and she has deactivated all of her social media accounts. I was worried that she might need my help, and I wanted to be easy-to-reach if that happens. Part of me also hoped that Kuya Lorenzo would suddenly go home or show up, ready to become a decent father to his child.
"Lola, tama po ba 'to?" I asked, showing her my progress.
Huminto siya sa paggagantsilyo at binaba ang suot na salamin. "Tama 'yan!"
Lola Georgia smiled proudly at me, raising her thumbs up as she sat back on her racking chair next to me. "Nga pala, tigilan mo na kasi ang pagtawag sa akin ng lola. Mamaya akalain ng mga tao na apo kita. Mama na lang kasi."
I couldn't help but giggle. "Sinabi mo 'yan, ha? Mama?"
She giggled back as she continued crocheting a cardigan. "Para saan pala 'yang ginagantsilyo mo, hija?"
"Kumot po para sa pamangkin ko," I said proudly, lifting up the halfway-done powder blue blanket.
"Kabait na bata!" Mama Georgia beamed in delight.
Kung alam niya lang na kumot ang ginawa ko dahil maliit lang tapos hindi mahirap gawin para sa isang beginner na kagaya ko. Baka nga hindi ko 'to ibigay sa pamangkin ko at ipa-frame lang sa kuwarto. Sa susunod na lang ang kanya.
"Kayo ni Cyprus, kailan n'yo balak ikasal nang magkaroon na kayo ng anak?"
Muntik akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Mama Georgia.
"Kaka-graduate ko lang ho, marami pa kaming pag-iipunan. Baka after 10 years? Siguro handa na kaming--"
"10 years?!" Namilog ang mga mata niya. Parehong-pareho ito sa reaksiyon niya sa tuwing papagalitan niya si Argentina. "Buhay pa ba kami niyan—"
"Joana! Simula na ng laro! Bilisan mo!" Bulyaw ni Lolo Nelio, I guess Papa Nelio na rin, mula sa sala. Kumaripas agad ako ng takbo mula sa hardin, papasok sa bahay.
"Hoy Joana! Bawasan mo 'yang 10 years!" Pahabol pang sigaw ni Mama Georgia kaya natawa na lamang ako.
Patalon akong naupo sa tabi ni Papa Nelio dahilan para agad niya akong samaan ng tingin. I suddenly realized where Cyprus' blank and strict stare came from.
BINABASA MO ANG
The Fool's Gold
General FictionFHS # 6 | Dubbed as the golden girl of Filimon Heights, everyone thinks Joana Cohen has everything a girl could ever want. However, what she has is the very thing that keeps her from getting what she truly wants. With a life riddled with misconcep...