Chapter 31

2.8K 90 9
                                        

Chapter 31

Pinanuod ko sya hanggang sa makatulog. Nakatitig lang ako sa mukha nya na para bang matagal kong hindi makikita ‘yun. Na para bang hindi ‘yun magtatagal sa paningin ko. Ngayon, nagsisimula na akong magtanung sa sarili ko kung anu bang naging silbi ko sa mundong ‘to. Magsisimula ko nang tanungin at isipin na kung hindi ko siguro nakilala si Faith ay baka talagang napariwara na ako at talagang wala nang napuntahan ang buhay ko.

Now, I remember everything. Hindi ko alam kung paanung nakalimutan kong simula noong mga bata pa kami nang mga pinsan ko ay puro kalokohan na ata kami. Naaalala ko nang nakilala ko na si Pastor David noon, pero hindi ko alam na may anak pala sya at si Faith ‘yun. Sa pinapasukan naming eskwelahan nila Dillon ay palagi kaming tumatakas tuwing Mass tuwing linggo. Napapagalitan kami ni Mommy at Daddy nang dahil doon. Though, my Dad don’t go to church anymore, lalo na’t si Pastor ang naroon. I don’t know the reason specifically, but, Dillon told me that my Dad and Pastor David is not in good terms, nung mga panahong ‘yun ay wala naman akong pakialam.

Dillon accidentally heard my Mom and Dad’s conversation. Well, mga bata pa kami noon at hindi ko nadin maalala ang sinabi ni Dillon sa akin.

Pastor David always had an eye on me. Siguro kay Dillon din, pero slight lang. I don’t really know the fucking reason kung bakit palaging si Dillon ang nakakaligtas sa gulo at ako naman ang palaging napapahamak kahit na mas malala naman si Dillon sa akin.

I can clearly remember now the day na pinaglaruan naming dalawa ni Dillon ang krus sa simbahan ni Pastor David. We got caught pero nakapagtago si Dillon at ako ang nasabon. Hindi pa masyadong develop ang church nila noon at lately ko lang nalaman na tinutulungan pala ‘yun ni Tita kaya napaayos na.

I didn’t see Faith there. Oh, baka nakita ko sya pero hindi ko lang napansin. Unang beses na nakita ko sya ay dahil sa pagkanta nya sa simbahan nung kasal ni Kuya Russell, and dammit! Simula nung araw na ‘yun ay hindi ko na sya nakalimutan.

Naaalala ko na lahat..

Gumalaw ako nang kaunte nang tumama sa akin ang sinag nang araw na nanggagaling sa malalaking bintana dito sa charity. Ginusot ko ang mata ko at agad na naramdaman ang pagkahulog nang kamay ni Faith galing saking dibdib. Tinignan ko sya. Sunod kong tinignan ang paligid at nakitang wala na ang mga batang nasa tabi namin. Suminghap ako at tinitigan ang magandang anghel na      nasa tabi ko.

“Faith..” bulong ko sabay haplos sa kanyang pisnge. Hindi sya sumagot sakin. Tumagilid ko at humarap sa kanya. Sunod kong kinuha ang kamay nya at nilagay muli sa aking bewang. Hinila ko sya para malapit sya saking dibdib. Hindi padin sya nagising sa ginawa kong ‘yun.

Inayos ko ang hibla nang buhok nya at inipit sa gilid nang kanyang tenga bago pinagmasdan at hinaplos ang kanyang labi. Maputla ito at tigang na naman.

“Baby, you look so pale.” Bulong ko sa tulog na katabi ko.

Ngumuso ako at pinadulas ang kamay ko sa kanyang bewang. Gumalaw sya nang kaunte pero hindi para magising kundi ang mas lumapit sa akin. Mas binaon nya ang sarili nya sa dibdib ko, mula dito ay amoy na amoy ko ang mabango nyang buhok. Tumindi ang kalabog nang dibdib ko lalo na’t ganito kami kalapit sa isa’t-isa ngayon.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon