Chapter 46
Maaga akong gumising kinabukasan. Halos hindi na nga ako natulog. Nangawit ang braso ko dahil hiyaan kong unanan ‘yun ni Faith. Mahimbing padin ang tulog nya. Dumiretsyo ako sa kwarto at tinitigan ang isang backpack na dala ko. Hindi ako pwedeng magdala nang maraming gamit dahil sigurado akong magtataka sila.
I heard pupunta sila nang CCCU para magreserved nang slot at magenrol nang mga subject. Hindi ko na kailangang gawin ‘yun. Sinabi ko sa kanilang magbabakasyon lang ako kila Kuya Russell pero planu ko na talagang doon na muna magstay habang nahihintay ako nang Graduation. Ito ang last sem ko at inasikaso ko na ang lahat. Maayos na bago ako umalis, bago ako lumayo.
Natapos na akong maligo nang madinig ko ang tawanan nila sa ibaba. Sa tingin ko ay nagising na sila at ngayon ay naghaharutan na. Bumuntong-hininga ako at para bang ayaw nang bumaba, dito nalang siguro ako. Mas mahirap kapag naroon, mas mahirap kapag malapit sa kanya. Mas masasaktan ako.
Nang tumahimik ay shaka na ako bumaba sa salas. Wala nang bakas nang tao doon. Sa tingin ko ay nakaalis na sila. Hindi na ako kumain at kinuha nalang sa bulsa ko ang aking susi. Binalingan ko ang orasan at oras na para sunduin sya sa CCCU. I believe tapos na sila doon.
Binato ko ang bag ko sa loob nang sasakyan. Pumasok nadin ako sa loob at pinaandar ‘yun. Nang makarating ako doon ay napagpasyahan kong itext sya na sa Hollywood Mall nalang kami magkita para makakain muna kami bago bumyahe. Sa pagkakataong ito, dapat nakapagpaalam na sya sa mga kaibigan na at kila Prom na pupunta na sya sa kanyang papa para doon naman magbakasyon.
Pinark ko ang sasakyan at hininto ‘yun sa tapos nang Queen Bee para doon nalang kami kumain. Nilabas ko ang cellphone ko at nilaro ‘yun saking kamay bago naghanap nang mauupuan.
Maya-maya pa ay nakita ko syang papasok nadin nang Restaurant. Awtomatik na gumalaw ang katawan ko, tumayo ako at sinalubong sya. Napatingin sya sa akin at ngumiti sa kabila nang maputla nyang mukha.
“Sorry. Nahirapan akong takasan sila Bash.” Sabi nya.
Ngumiti ako at kinuha ang kamay nya.
“It’s okay. Let’s eat first.” Sabi ko sa kanya. Tumungo sya sa akin.
Nang mahatid ko sya sa nireserved kong upuan at tumayo agad ako at pumila sa counter. Hindi ako makapagconcentrate dahil panay ang sulyap ko sa kanya. Iniisip ko palang na magkasama kami ni Faith nang matagal ay para bang nawawala na ako sa sarili. Kumurap ako nang mapatingin sa akin si Faith. Pumungay ang mga mata nya at ngumiti. Kumalabog ang dibdib ko at hinimas ang aking batok. Shit.
“Sir?” napatingin ako sa unahan nang tawagin ang aking pangalan.
“Ah. S-sorry. Two Lemonade tsaka dalawang combo two.” Sabi ko.
Tumungo ‘yung babae sa counter at kinuha ang aking order. Nang maibigay ‘yun sa akin at agad akong dumiretsyo kay Faith.
“May kasama ba tayo? Bakit ang daming pagkain?” tanung nya.
Umiling ako.
“Wala. You need to eat more, Gusto kong dumating tayo doon bago maggabi kaya kailangan na nating kumain ngayon.” Sabi ko.
Tumungo-tungo sya sa akin at sumubo noong French fries, pinagmasdan ko lang sya. Mukhang naagaw ko ang attensyon sya kaya napatingin sya sa akin.
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
Non-FictionGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...