Chapter 17
I want to get rid of her! I want to back to my old life, kaya nung nagpakita sa akin nang motibo ang kaklasi kong si Marina ay pinatulan ko sya kaagad. Sinabi ko sa kanya na hindi kami magkakaroon nang seryosong relasyon, past time lang! Make-out, make-out lang. malinaw ‘yun. Nadala na ako kay Dianne. I knew it! Commitment is not for me, kaya ganun nga ang ginawa namin.
Narealized kong napakawalang hiya ko talagang tao, dahil sa tuwing lunch break ay sa storage room ang punta namin ni Marina para gumawa nang kung anu-anung bagay. Syempre, walang alam ang mga pinsan ko dito. Pero nang magsawa ako ay tinigil ko na din, pakiramdam ko ay wala na akong magawa sa buhay ko. Gusto ko nalang magbakasyon at matulog sa bahay buong araw.
Hindi na din ako pumupunta sa Club nang Faith Santiago na ‘yun. Si Dillon ang nakikita kong nagkakandarapa na pumupunta doon sa tuwing free time nya. Wala akong pakialam, bumili pa sya nang gitara at pinagmamalaki pa nya sa akin mga natutunan daw nya kay Faith. Well, wala akong paki!
Sa loob nang anim na buwan ay madami pa akong naging babae sa school. Syempre, madami ding magaganda doon. Christian School my ass. Mas marami pa ngang wild na babae dito. Maayos na naman ako, I’m fine! Really. Kaya lang, sa tuwing makikita o makakasalubong ko ang Faith na ‘yun ay parang hindi ko mapigilang ma-guilty. Somehow, kapag nakikita ko sya pakiramdam ko, nakikita nya ang kaibutaran nang aking puso. Pakiramdam ko, nakikita nya ang lahat nang kasalanan ko. Tuwing Lunes at flag ceremony ay sya palagi ang nagle-lead nang prayer, sya din ang kumakanta nang hymn nang school. Maganda padin talaga sya, kaya lang maputla at medyo payat.
“Oh no.. no.. Fifth Martin, you can’t do this to me. Hindi mo ba ako mahal? Kuya mo ako!” bulalas ni Dillon nang saktong makababa ako nang hagdan hapon na at guess what? Nagigising ko lang! Christmas kasi. Nakita ko ang pagtulak sa kanya ni Fifth sa dibdib.
“Mahal kita pero mas mahal ko si Kuya Williard, now get your ass out of here at sundin mo si Mommy!” Aniya.
Sumimangot si Dillon at mukhang banas na banas, Tinagilid ko ang ulo ko at binato nang unan si Fifth.
“Anung meron?” tanung ko.
Bumaling sya sa akin nang makuha ko ang kanyang attensyon.
“Inutusan sya ni Mom na sumama sa kanya sa Maynila with Dad. Sandali lang naman, ang arte, ayaw sumunod.”
“Eh, bakit hindi ikaw? Tss!” sigaw ni Dillon habang nagdadabog nang kung anu-anu sa sala namin. Kumunot ang noo ko.
“Hey, don’t act as if this is your home! Wag ka ngang magsira nang gamit!” Ani ko at pumunta sa aming kusina. Kumuha ako nang tubig sa ref at nagsalin nang braso. Diba dapat malamig ngayon kasi magpapasko? Bakit ang init?
Umirap sya. “Tss! Ganyan kayo, eh! Kuya Williard probably dating with his girls too! Tapos ako? Pupunta akong church eh! Ngayon kaya ako nakaschedule nang tutor kay Faith kasama ung ilang bata! Activity nang club ‘yun!” Sabi nya.
Kulang nalang ay mabitawan ko ang basong hawak-hawak ko. Lumingon ako sa kanya nang makuha nya kaagad ang buo kong attensyon.
“Mom won’t go easy on you, shaka diba? Kakausapin ka ni Dad dahil sa piercing mo sa dila? Baka puputulin na ung dila mo, Kuya!” Asar ni Fifth.

BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
No FicciónGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...