Chapter 32

2.5K 87 8
                                    

Chapter 32

Alas tres na nang hapon nang tignan ko sa orasan. Gumalaw ako at tinanaw si Faith na hanggang ngayon ay natutulog padin. Nakatulog din pala ako sa kakapanuod sa kanya. Tinitigan ko sya at shaka kumunot ang aking noo.

Parang nakakatakot kapag natutulog si Faith, pakiramdam ko, hindi na sya magigising.

Nilahad ko ang kamay ko at dahan-dahang tinapik ang kanyang pisnge para gisingin sya.

“Baby..” Ani ko.

Hindi sya gumalaw. Lumunok ako at tinapik muli ‘yun,

“Baby, come on. Don’t scared me.” bulong ko

“Faith.” Ulit ko nang hindi padin sya gumalaw.

Tumindi na ang kalabog nang dibdib ko at nanlalamig na ang buo kong katawan. Suminghap ako at lumunok.

“Baby, wake up. Faith!” medyo lumakas ang aking boses.

“Faith!” natatarantang sabi ko.

Nang gumalaw sya ay agad akong nakahinga nang maluwang. Idinilat nya ang mata nya at nakita kong parang hilo sya. She looks pale again,

Napaupo ako sa kama at lumunok.

“Dammit.” Bulong ko.

Umupo sya sa kama at tinitigan ako. “What’s wrong?”

Ngumuso ako at pinilit na pinahupa ang tibok nang puso ko. I’m being paranoid again, Mahal na Mahal ko sya at kung anu-anu nang pumapasok sa utak ko ngayon. Crap!

“Kanina pa kita ginigising. N-natakot ako.” Nanginig ang aking boses.

Tumahimik sya at tinitigan ako.

“Sorry. Baka sobrang pagod lang ako.” Aniya at ngumisi.

There, Faith. I just want to see your smiling face, always..

Ngumiti ako at isinantabi kung anu man ang tumatakbo ngayon sa isip ko.

“Magayos kana. We’ll tour dito sa probinsya. But, before that, kakain muna tayo, hindi kapa kumakain.” Sabi ko sa kanya.

Tumungo-tungo sya sa akin. Tumayo ako at lumabas na nang pintuan para hayaan syang makapagbihis. Nakapagbihis na naman ako kanina kaya hihintayin ko nalang siguro sya sa salas.

Naplanu ko na kanina kung saan kami pupunta, mayroon din pala ditong kainan at tinatawag na bahay-bahayan, hindi naman ‘yun ganito kalayo ‘yun dito sa charity at may sasakyan naman, kaya, doon nalang siguro kami kakain.

Nagangat ako nang tingin nang ilang sandali pa ay nakita ko nang bumaba si Faith galing hagdan. Ngumuso ako at ngumisi nang makitang suot-suot nya ang jacket na binigay ko sa kanya. Mabuti at isinuot ko ‘yung akin. Pinanuod ko lang sya papalapit sa akin.

Hinawakan ko ang malamig nyang kamay at sabay kaming lumabas na nang charity, nagpaalam kami kay Mother Therese at sinabi sa amin na huwag kaming masyadong magabi dahil maaga ang alis namin bukas  para umuwi sa CC.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon