Chapter 55
"Hello?" Nanginig ako nang madinig ang mahinhin nyang boses. Lumunok ako nang ilang beses at pinakiramdaman 'yun. She sounds sleepy. I wonder why she's still awake? Nagising ba sya sa tawag ko? O talagang hindi pa sya natutulog?
"Hello?" ulit nya, mukhang mas gising na sya ngayon.
Lumunok ako at inawang ang bibig ko pero walang lumabas na kakarampot na salita ako. Fuck. Yumuko ako at kaagad na nagkagat ng labi. Ano ba itong ginagawa mo, Grant? Shit!
"Uhm. S-sorry. Napindot lang." Sabi ko at kaagad ding binaba ang tawag.
Hinawakan ko ang dibdib ko nang maramdaman ang pagragasa nang aking puso. Damn it! I know, it isn't right. Dapat ay wala na ito. Dapat ay matagal na itong tapos pero hanggang ngayon ay hindi padin. Hanggang ngayon ay narito padin. I am afraid, natatakot ako na baka hindi na 'to matapos. Baka hindi na ako maging masaya. Na baka habang buhay nalang talagang maging miserable ng ganito ang buhay ko.
Fuck. Ako ang lumayo at sya ang humiling sakin nito. Unang-una palang ay alam nya nang magkapatid kaming dalawa pero mas pinili nya pading patulan ang nararamdaman ko. Tinanggap ko sya at pinaglaban pero tinulak nya lang ako palayo. Damn! Pero bakit sa kabila ng lahat ng 'yun ay hindi ko parin magawang magalit? Bakit hanggang ngayon ay iniisip ko padin kong paanong pwedeng maging kami? At pakiramdam ko kong hihilingin nya saking lumakad ako pabalik sa kanya kakaripas na agad ako nang takbo papunta sa kanya.
"Grant! Don't tell me hindi ka pupunta sa Graduation mo?" sigaw ni Mommy sa akin sa telepono. Iritable akong nagkamot nang ulo.
"What? Ano naman mom? Ayos lang naman po 'yun. Ayoko na nang hassle. Makukuha ko padin naman ang diploma ko kahit na hindi ako umuwi dyan para sa graduation."
"I told you, umuwi ka. Lumuwas pa naman kami nang Daddy mo dito para makapunta sa Graduation mo tapos ganyan? Ano bang dahilan mo at ayaw mong umuwi dito ha?"
"Wala po, Mom. I just... I mean." Nangapa na ako nang salita. "Mahal ang tix ngayon. Ayoko nang gastos."
Natawa sya. "Really? Ayaw mo nang gastos? Pero nakikita kong malaki ang winiwidraw mo sa accounts mo. You're so fond of vacation and gimmicks right now anak, kaya hindi mo pwedeng idahilan sa akin yan. You spend thousands para sa mga get-away nyo nang mga barkada mo." Aniya.
Bumuntong-hininga ako.
"Tinatamad ako, Mom. Hindi nalang po ako uuwi, please?"
"No way." Matigas na sabi nya. "Umuwi ka dito sa Central! Kahit magstay ka manlang dito nang dalawang linggo. Hindi mo ba namimiss ang mga pinsan mo? Ang mga kapatid mo dito?" Sabi nya.
Hindi agad ako sumagot. That's the point.
"Really, ayoko ko po talaga Mom."
"Kung hindi ka uuwi dito, ako mismo ang luluwas dyan sa Maynila para kaladkarin ka pabalik dito sa Central. Hindi ko alam kung may pinagkakaabalahan ka ba dyan o ano at mas gusto mo pang hindi umattend nang graduation mo. May girlfriend ka na ba ha?" Aniya.
Umiling ako at natawa sa tanong nya.
"Wala po."
"Really Grant?"
"Wala nga po. Ok fine. Uuwi na ako. Just... don't nag at me early in the morning." Sabi ko.
"Good. Good. Magpaalam ka ng maayos sa Kuya Russell mo, baka umalis ka na naman bigla." Aniya.
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
No FicciónGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
