Chapter 16

2.5K 63 4
                                    

Chapter 16

“Aw! Dahan-dahan naman!” angal ko kay Prom nang gamutin nya ang aking sugat sa pisnge. Sumimangot sya at mas diniinan pa ang paglagay nang bulak kaya tinapik ko ang kamay nya.

“Sabi nang masakit, eh!” angal ko.

Ngumuso sya. “That’s what you get, Kuya. Puro babae kasi.” Aniya

“Wala akong ginagawang masama okay?” Ani ko at hinawakan ang aking panga.

Damn, sa lahat ba naman nang masusugatan ung mukha ko pa. Ang lalim pa ata nang sugat.

“Girls are scary.” Kumento ni Dillon habang nakaupo sa sofa.

Binalingan ko sya nang tingin at inirapan. Tss. Kelan pa ako nakaramdam nang inis sa taong wala namang ginagawang masama sa akin?

“Di ko ineexpect ‘yun ba? Dianne is underage right? Paanu sya nakapasok sa bar na un?” Ani ni Will habang nilalaro ang kanyang cellphone sa kanang kamay.

Umismid ako. “She’s 18. Pwde na sya doon.”

“Grant, break up with her. Nakakatakot.” Ani naman ni Fifth.

Umiling-iling si Thunder at tumayo.

“Ay grabe! Gusto ko nang mga wild na babae sa kama, pero ung mga ganun? Nevermind.” Aniya at nagbikit-balikat.

Umiling-iling ako at tumayo na para umakyat sakin kwarto. I really need to talk to her. Pakiramdam ko talaga pinaglalaruan ko lang sya. Fine, I admit. I lost my interest with her, nung una ay nagdo-doubt pa ako dahil baka naguguluhan lang ako, pero ngayon, pagkatapos nang mga nangyari ay alam ko nang hindi ko talaga sya gusto. Yeah, she’s pretty and nice. Hindi ko alam na darating ang araw na gugustuhin ko ang babaeng hindi lang maganda ang mukha at katawan.

Nang nagkinabukasan ay syempre nakarating kay Mommy ang balita, hindi ko din naman maitanggi sa kanya dahil nakita nya ang peklat ko sa mukha. Anu pa nga ba? Natural ay sobra akong pinagalitan. Mabuti nalang at wala sa Dad kaya si Mommy lang ang nagingay sa Skype. Umismid ako, ngayon alam ko na talaga kung kanino nagmana si Prom.

“Oh my God, Grant! What happen to your face! Sinasabi ko na nga bang hindi pwedeng naiiwan nang kayo-kayo lang magpipinsan, eh!” bulalas nya.

Bumuntong-hininga ako.

“Mom, I’m okay. Simpleng galos lang ‘to. Gagaling din. Don’t over react.”

“Over react?!” singhal nya. “Sinasabi mo talaga sa akin yan, ha? Grant! Humanda ka sa pabalik ko, ha!” banta nya sakin.

I giggled. “Ok then. See you mom. I love you.”

“I love you. Umayos ka, Grant ha! Makakarating ‘to sa Daddy mo!” Aniya.

“Alright. Alright.” Ngumisi ako bago naglog-out.

Nung tanghali ay dumalaw sa amin si Kuya Russell kasama ang maganda nyang asawa na si Ate Cory, nakabili na pala sila nang bahay pero sa Maynila. Gusto daw ni Ate Cory doon tumira malapit sa bahay nang kanyang pinsan na si Ate Azariah, maganda din ‘yun. Amerikana, alam kong mga wild ang mga ganung tipo, pero masyadong matanda para sa akin. Si Dill lang naman ang walang pinipili, matanda o bata ayos lang sa kanya.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon