Chapter 6
“tigilan nyo na ang pagaaway nyo!” panay ang saway sa amin ni Dill habang nasa kotse kami.
Pinilig ko ang ulo ko pagkatapos ay binalingan nang tingin si Fifth na nakahawak sa labi nya at nakadungaw sa bintana.
“Gago kasi ‘tong si fifth eh!” galit na galit si Will.
Tinapik sya ni Dill sa dibdib pero pinitik nito ang kamay nya. “Kuya, tama na yan. Wag nyong pahalatang nagaway tayo. Lagot tayo kaya Tita, Baka makarating pa kay Mommy at Daddy.” Aniya
Umiling-iling ako pagkatapos ay hindi nalang sumagot. Siguro ay mainit lang talaga ang ulo ko kaya nasapak ko si fifth kanina, ok fine! Uso sa aming mga magpipinsan ang payabangan, Pero shit. Hindi kahit Kaylan ‘yun naging big deal. Wala naman sa isip ko na ipamukha sa kanyang ako ang panangay na Hernandez maliban kay Kuya Russell na wala ngaun, Pero shit. Kung hindi ko gagawin un. Malamang malintikan na kami at baka tuluyan syang napaaway doon.
“Fifth.” Ani ni Thunder na nasa manibela. “Tama na yan. Magayos na kayo ni Grant.”
“Damn, No! Nakakahiya sa panganay nang Hernandez.” Aniya
Ngumisi ako nang bulungan ako ni Dill. “That’s not serious, ayaw mo na kay Quinn diba? Bigay mo sa kanya. Bati na kayo agad.” Aniya
“Gago ka.” Bulong ko.
Pinark na ni thunder ang kotse nang makarating na kami sa building nang mga Hernandez. Isa-isa kaming bumaba nang kotse, Pinagpag ko ang damit ko pagkatapos ay binalingan si Fifth na dire-diretsyo lang na pumasok nang bahay.
“Bullshit. Tingin nyo seryoso na? Wag kayong pahalata kay Prom at Kate. Girls are paranoids.” Aniya
Tumungo-tungo lang ako pagkatapos ay pumasok na din sa loob. Walang tao sa living room. Inangat ko ang tingin ko at sinundan si Fifth na paakyat sa kwarto. Pinilig ko ang ulo ko, I knew it. Galit nga sya dahil kung hindi, dapat sa kwarto ko sya didiretsyo.
Nanlaki ang mata ko nang makita si Prom na sunod na bumaba nang hagdan.
“Where have you been? Bakit parang wala sa mood si Fifth?” tanung nya
Nagtinginan kami ni Dillon.
“Wala? Talaga? Baka pagod lang. Nag joy ride kami. Napikon sa joke ni Grant.” Aniya. Itinuro ko ang sarili ko. “Damn, Me?” tanung ko. Nadinig ko ang pagngisi ni Thunder at Will sa likuran ko
“Talaga? Magbati na kayo. Kapag nalaman yan ni Tita Vina lagot kayo.” Aniya
Nang makapunta sa kusina si Prom ay agad kong pinagsasapak ang tatlo
“Mga gago kayo! Ako pa ang mapapagalitan!” Ani ko
Tumatawa sila sabay ilag sa mga suntok ko.
“Paanu yan? Galit padin?” tanung ni Will
“Gago, Sinapak mo kasi!” Ani ko. Nagdirty finger pa sya sa akin gamit ang magkabila nyang kamay
Ngumisi lang ako. “Fuck you. Ikaw din naman ah. I’m the eldest Hernande-“ Binato ko na sya nang unan bago pa ipagpatuloy ang panggagaya sa sinabi ko kanina.
“Magdala tayo nang babae?” tanung ni Dill na puro babae ang laman nang utak
Humagalpak nang tawa si Thunder. “Sige, Para mawalan tayo agad nang mana. You know the rules boys, Hindi pwedeng magdala nang babae dito.” Aniya
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
Non-FictionGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
