Chapter 57
"Faith.. Why are you shaking?" tanung ko nang makitang nanginginig ang kamay nyang nakahawak sa laylayan nang aking damit. Kinagat nya ang ibabang labi nya at suminghap.
"Sorry. H-hindi lang ako sanay sa loob." Aniya.
Tinitigan ko syang mabuti. She's obviously lying dahil alam kong hindi 'yun ang dahilan nang panginginig nya. I'd like to think that she's jealous dahil sa babaeng kasayaw ko pero ayokong umasa.
"G-gusto mong pumasok sa sasakyan?" Yaya ko.
Binalingan nya 'yun nang tingin at tumungo-tungo. Nasa akin ang susi nang sasakyan ni Thunder kaya nabuksan ko 'yun. Pumasok ako sa driver's seat at ganun din sya sa tabi ko. Naramdaman ko kaagad ang pagyanig nang buo kong systema nang magdikit ang braso naming dalawa.
Tahimik kaming dalawa sa loob at wala nang nagdinig kundi ang malalalim naming paghinga. I can't look at her. Hindi ko gusto ang itsura nya ngayon. Hindi ito ang Faith ko.
"Your dress is too short, Faith." Wala sa sariling sabi ko nang bumaba ang tingin sa kanyang maputing hita. Damn Grant Elliot!
Bumaba ang tingin nya doon at nakita kong hinagit nya yun pababa.
"Gusto ni Promise na isuot ko 'to. Hindi ako makatanggi kaya-"
"Don't dress like Promise."
"Hind ba bagay?" tanung nya kaagad.
Pumikit ako napamura. Damn. Kung alam mo lang...
"Since when did you start coming to this kind of place?" Pinigilan ko ang pagtaas nang aking boses. Ayokong isipin nyang galit ako o ano.
"Pangatlong beses ko palang 'to. Hindi lang ako makatanggi sa mga pinsan nati-" Napatigil sya nang marealized ang kanyang sinasabi.
Ngumisi ako nang mapait. "Cousin, eh?" bulong ko.
"Hernandez na ako kaya-"
"I know." Sabi ko agad. She don't need to rub it in my fucking face.
Alam kong magkapelyido na kaming dalawa. We're siblings now. 'Yun ang pilit nyang itinatatak sa akin. Alam ko naman. At walang panahon na nawaglit 'yon sa isip ko.
"Sorry." Bulong nya. Agad ko syang nilingon dahil sa malumalay nyang boses. Same features as ever. Walang nagbago. Pinadulas ko ang tingin ko pababa sa hugis puso nyang labi. Kumalabog nang todo ang dibdib ko. I want to kiss her. Fuck! I want to touch her but I know I can't! Hindi puwede! Shit!
"I need to go." Sabi ko nangmaramdamang sobrang nahihirapan na ako.
"Bakit?" Sabay lingon nya sakin.
Lumunok ako. "We can't stay close like this. Faith, I might... kiss you." Sabi ko.
Nakita kong pumula ang mukha nya nang dahil sa sinabi ko. Hindi sya kaagad nagreact. Inawang nya ang kanyang bibig dahilan para mawala na naman ako sa sarili.
"Fuck Faith. I need to go-"
"How about your girlfriend?" Biglang tanung nya sa akin. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nya at naghahanap ito ng sagot.
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
Non-FictionGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
