Chapter 20

3.1K 69 6
                                        

Chapter 20

"The fuck?" natatawang sabi ni Dillon sabay himas sa kanyang kamay na tinapik ko.

Tumaas ang kilay ko at para bang nagbalik ako sa sarili kong pagiisip. What the hell am I doing?

"Grant, bakit ang init nang ulo mo?" tanung ni Williard sa akin. Tinignan ko lang sya. Akmang may sasabihin ako pero binuga ko nalang 'yun sa hangin. Syempre, wala akong mapagsabihan. Lahat sila ay alam na gustong-gusto ni Dillon si Faith. Magmumukha talaga akong traydor nito.

Umiling-iling si Fifth. "Hayaan nyo na, ilang buwan na rin kasing single yan!" bulalas nya.

Tumahimik ako at humulukipkip doon. Hindi na ako sumagot. Hindi ko nadin sila pinansin sa buong biaje, eh, anung sasabihin ko? Maiinis lang ako dahil wala na slilang ginawa kundi ang asarin si Dillon tungkol kay Faith. Ung ugok naman na 'yun ay wala nang ginawa kundi ang ipagmalaki ang text-text nila ni Faith, nababanas ako dahil ung inbox ko wala nang lamang kahit anung text galing sa kanya.

Pinikit ko ang mata ko pagkatapos kong maglagay nang headset. Magsama-sama kayo! Tss!

Nang makauwi kami sa bahay ay doon namin naabutan si Kate, Prom at Juan Paolo na nanunuod nang horror movie. Bumuntong-hininga ako at dumiretsyo nalang sa taas para magpalit nang damit. Nang makababa ako ay nakita kong lahat sila ay andoon na at nakaupo sa carpet.

"Grant, lika!" kumaway sa akin si Kate.

Tumungo-tungo ako at tumabi kay Juan Paolo. Inakbayan ko sya.

"Kuya."

"You're so pale, Paolo." Ani ko.

Ngumuso sya sa akin. "Maputi lang ako, Kuya."

"Wag kang masyadong magpaputi. Magmumukha kang bakla." Tumawa si Dillon.

Tumawa din si Juan Paolo at binato sya nang kaunteng popcorn kaya pinagalitan sila ni Kate.

Mapatingin kami kay Williard nang makita ang ilang beses nyang pagkamot nang ulo.

"Hey, Zup? Anung meron Kuya?" tanung ni Fifth sa kanya

Umiling-iling sya pagkatapos ay nasilip kong may ilang ulit syang dinadial sa kanyang cellphone. Nakibit-balikat ako. Probably one of his girls!

"Babae mo?" tanung ni Dillon at sinilip ang kanyang cellphone.

Awtomatik na umiwas si Williard. "Mind your own fucking business! Hindi ko sya babae!"

Natawa ako. "But, you look bothered."

"Wala nga." Banas na sabi nya at nagwalk-out. Nagsalubong ang kilay ko. Problema nun?

Nang pumasok kami kinabukasan ay nakita ko na sya. Ganun padin, maputla padin sya pero maganda ang mga ngiti. Gusto ko syang lapitan at kamustahin pero hindi ko magawa. Parang napaka-off limits nya at ang hirap lapitan, at naiinis ako dahil doon. Hindi ko alam na darating sa puntong hanggang tanaw nalang pala ako sa isang babae.

Si Dillon lang naman ang may lakas nang loob. Madalas kong nasisilip ung room nila Faith at nakikita kong nakikiseat-in doon ang pinsan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, mainit ang ulo ko sa lahat. Lalo na kay Dillon. Kapag naroon sya sa bahay ay halos hindi ko na sya pansinin. Dinadaanan ko lang. I'm pissed. Lalo na dahil magaan nyang nasasabi ang nararamdaman nya samantalang ako ay hindi. Fuck!

Tinulak ni Dillon ung pintuan nang club nang matapos ang aming klase. Napatingin sa amin ang ilang member doon. Nagangat ako nang tingin at dumiretsyo ang tingin kay Faith na nakatayo sa isang gilid ay inilalabas ang kanyang gitara sa case nito. Akmang lalapitan ko sya pero nakita ko ang agad na pagdalo ni Dillon sa kanya. Natigil ako sa kinatatayuan ko at humulukipkip na tinititigan sila doon.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon