Chapter 45
“Nasabi ko na sa Kuya Russell mo na doon ka muna sa kanya titira sa Maynila. He said it’s okay. Ikaw? Doon ba talaga ang gusto mo? Why not here sa New York?” tanung ni Mommy sa akin habang magkausap kami sa Skype.
“Nah. Mas okay na po doon sa Maynila mom, atleast I can go home whenever I want to. Isa pa, mahal ang tix papuntang New York. What if magsawa ako? Nakakapanghinayang kung babalik agad ako.” Sabi ko sa kanya.
Ngumuso sya at tumungo-tungo sa akin.
“Did something happen? Why so sudden? Biglang gusto mong lumuwas nang Maynila? Dati-rati kapag niyayaya ka nang Kuya mo ay panay ang tanggi mo.” tanung ni Mommy sa akin.
Lumunok ako at tinitigan sya sa camera.
“Nothing Mom. I just wanted to... to freshen up a lil’. Isa pa, Summer Vacation naman.” Sabi ko.
Kumunot ang noo ni Mommy sa akin. She’s smart. I know, she knows kapag may mali. Alam kong alam nya kapag may mali sa akin. But, I just can’t tell her. I just can’t tell them, maliban doon sa may alam na, hindi ko maaaring sabihin sa iba ang sa amin ni Faith. Pagdidirihan nila kami. Hahadlangan at paghihiwalayin. Dahil alam ko, kahit sila, hindi bukas ang pagiisip tungkol sa mga ganitong bagay.
Kumikirot ang puso ko habang iniisip na maaaring masaktan at umiyak si Faith kapag nangyari ‘yun. Dahil ako, matatanggap ko ang lahat. Sasaluhin ko ang lahat nang kasalanan… Sa pamilya namin at sa Diyos, but I don’t want Faith to be blame because of this. Ayokong masaktan sya. Ayokong magalit sa kanya ang lahat.
She’s an angel, she needs to be in heaven. I’m a devil so I don’t mind being in hell.
“What? Saan ka pupunta?” Tanung ni Prom sa akin habang nagaalmusal kami.
Nakita ko sa gilid nang mata ko ang pagbaling ni Faith sa akin.
“Sa Maynila. Doon muna ako kay Kuya Russell. But, before that, magbabakasyon muna ako. I want to freshen up.” Sabi ko.
Kumunot ang noo ni Prom.
“Alone? Saan ka pupunta?” tanung nya sakin.
Lumunok ako. Nadinig ko ang tikhim ni Faith sa tabi ko.
“Far away.” Bulong ko.
Suminghap si Prom at binitawan ang kanyang kutsara’t-tinidor.
“Nakakainis kayo! Si Faith aalis din! Doon ka sa Papa mo hindi ba? Dadalawin mo sya? Saan nga ba ‘yun? Malayo din, hindi ba? So, maiiwan talaga ako dito magisa, ganun?” tanung nya.
Binalingan ko si Faith at nakita ang pagtungo-tungo nya.
Wala ang mga pinsan namin ngayon dahil finally, narealized din nilang may sarili din silang bahay. Kaming tatlo lang ang narito sa bahay at si Manang dahil weekdays ngayon. Summer Vacation na at nagmamaktol si Prom dahil walang planu ang mga pinsan naming magbakasyon dahil may kanya-kanya din silang lakad.
Kami din ni Faith ay meron, Niyaya ko sya nung gabi nang birthday nya at pumayag sya sa gusto ko. It has been decided. Doon sa charity na dati namin pinupuntahan ang punta namin, pero nagpareserved ako sa isang hotel sa kabilang bayan doon. I want to be alone with her. Alam kong nagsisinungaling kami sa lahat. Nagsisinungaling din sya. Pero, we need this. Ito nalang talaga ang mahihiling ko sa kanya. And I promised that this will be the last kasi alam kong hanggang dito nalang. Putol na ang sa aming dalawa pagkatapos nito.. at sana, kapag natapos nadin ito, matapos na din ang lahat nang nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
NonfiksiGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...