Chapter 43
Fuck it. I admit. Kunwari ay ayaw kong pumunta pero ang totoo ay gusto ko naman talaga. I’m really looking forward for this day at talagang pinaghandaan at pinagkagastusan ko ang regalo ko sa kanya. I’ve been a jerk to her this past few days at alam ko din na ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na tama na pero hindi ko padin mapigilan. Palagi ko nalang niloloko ang sarili ko. Nakakagago na..
Hindi ko naman sya maiiwasan. Alam kong magkikita at magkikita kami lalo na’t nakatira lang kami sa iisang bahay. Kaya nga ako mas lalong nahihirapan.
“Happy Birthday, Faith and welcome to our family!” nangibabaw ang boses ni Prom sa naging pagbati nya kay Faith. Nilingon ko sila. Sa isang iglap ay nakita ko nang pinapalibutan na sya ni Prom at Kate.
Humalukipkip nalang ako doon at pinagmasdan ang mukha nyang nakangiti habang nakikipagkulitan doon sa dalawa. Fuck. Sana palagi syang ganyan, Sana palagi syang masaya. Lahat ata kaya kong ibigay wag lang syang umiyak.
Bumuntong-hininga ako. Oh God, I love my sister so much at alam kong kasalanan ‘to. Kung talagang ngang mali ang mahalin ko sya nang ganito katindi, handa ko pong akuin ang lahat nang kasalanan at pagdurusa, But, please. Please make Faith happy.. forever.
“Lahat tayo may regalo, pwera lang sa isa dyan na wala talagang pakialam!” nadinig ko na naman ang pagpaparinig ni Prom sa akin. Lumunok ako at umiling. Dammit, kung alam mo lang, kanina ko pa iniisip kung paanu ko sya mapupuntahan nang kaming dalawa lang para maibigay ang regalo ko.
Hindi ko na pinatulan si Prom. Ayoko nang gulo at wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kanya.
Talagang kinakareer ni Dillon ang pagbabarbeque, hindi ko alam na ganito pala kadami ang hininda nila. Madami ding binili sina Thunder na alak kaya habang kumakain ay panay na ang tagay namin.
“Baka naman matunaw yan, huh?” kinalabit ako ni Thunder.
Hindi ko manlang namalayan na nasa tabi ko na pala sya.
“Tss. Shut up.” Sabi ko at diretsyong ininom ang Red label na nasa baso ko.
“Oh, Come on. Huling-huli ka. Si Fifth, JP, Prom at Kate nalang ang walang alam. Pati sila Kuya Russel na wala dito. I bet, Williard knows already. Paanu kong malaman nang mga parents natin? How are you going to explain?”
“The hell, Thunder? Don’t make a fuss about it-“
“Why not? Ang obsess mo kasi!” Natawa sya.
Sumimangot ako at nagiwas nang tingin. It is true that I’m obsess with her, pero mabuti nga at nakokontrol ko pa ang sarili ko ngayon.
“Anyways.. Where’s your gift?” tanung nya sakin.
Umiling ako. “Come on. Hindi ako naniniwalang wala.”
“I use my funds.”
“And?” Nagtaas sya nang kilay.
“I bought her a ring.” Diretsyong sabi ko
Nakita ko ang paglaki nang kanyang mata nang dahil doon.
“Holy Shit! Grant!” bulalas nya.

BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
SachbücherGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...