Chapter 42

2.2K 62 10
                                    

Chapter 42

Bumalik ako sa salas para doon matulog. Halos hindi din ako nakatulog kaya umakyat nalang din ako sa kwarto ko kahit na walang unan at kumot doon. Ala singko palang nga ay gising na ako. Nang silipin ko sila ay tulog padin. Nakunan ko pa nang litrato ang Bromance nila Dillon at Thunder. Dillon has this freaking habit. Malikot syang matulog at madalas ay nangyayakap pa.

Nang magising ay nagkagulo na naman sila para sa pagluluto nang kanilang almusal. Nang makita kong bumaba si Faith sa hagdaan ay awtomatik akong napatayo dahil sa kalabog nang aking dibdib. Her hair is messy and kinda tangled. Pumupungay pa ang mata nya sa antok at hindi pa nya ako nakikita kaya sinamantala ko na ang titig ko sa kanya. Humikab sya at nakita ko nag paggalaw nang kanyang maputlang labi. Lumunok ako at nagiwas nang tingin. Shit.

Hindi na ako nakisabay sa kanila. Wala namang pasok ngayon pero umalis ako at tinakas ang bagong kotse ni Dillon.

“Fuck you, Grant!” malutong na mura ang natanggap ko kay Dillon nang tumawag sya sa akin. Natawa ako.

“Chill Alright? Hindi ko naman gagasgasan ‘tong sasakyan mo.” Sabi ko.

“Go back here, asshole! Ang tagal kong pinangarap yan!”

“Easy. Wala gas ang sasakyan ko. Babalik ako kaagad. Don’t worry. Mas magaling ako magmaneho sayo.” Natawa ako at shaka binaba ang tawag. Hindi ko na pinakinggan ang sunod nyang sasabihin.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa dashboard at sinandal ang siko ko sa bintana nang sasakyan. Pagkatapos nang mga sinabi ko sa kanya kagabi tungkol sa kanyang birthday ay nakikita ko padin ang sarili ko ngayon na papunta sa Mall para bilhan sya nang regalo. Syempre, hindi ako sasabay kila Dillon o Thunder, mga wala naman silang kwenta sa pagbili nang mga ganung bagay.

Pinark ko ang sasakyan ni Dillon sa car park nitong mall. Kinuha ko ang cellphone ko at halos sumabog ‘yun sa pagpapaulan nya nang mura sa akin. I don’t mind. Ewan ko ba sa lalaking ‘to. Pinapagalaw nya naman sa akin ung mga gamit nya. Maliban lang dito sa bagong kotse, kasi, matagal na nya talaga ‘tong hinihingi sa kanyang Daddy pero ngayon lang sya napagbigyan. She’s stupid at driving. Hindi ko nga alam kung paanung nakuha nya ang kanyang Professional License.

Pumasok ako sa Mall at mabilis na naglakad papuntang Department Store. Syempre, wala namang akong alam sa dapat ibigay sa isang babae. Hindi pa ako nakakabili nang regalo, karaniwan kasi, nagpapasabay lang ako kila Dillon kapag bibili sila. But, again, Dillon is stupid. Binigyan nya si Kate nang dalawang balot nang Whisper na napkin nung birthday nya kaya nakatanggap sya nang sampal galing dito.

Isang oras na ata akong paikot-ikot sa Mall pero wala padin akong makita. Nagmumukha na akong tanga sa harapan nang mga sales lady dahil mukhang nahalata na nilang pabalik-balik ako.

“Oh shit.” Bulong ko at inilabas ang aking cellphone. Saktong tumunog ‘yun at nakita kong si Thunder ang tumatawag.

“What?” iritable kong sagot sa kanya.

“Where are you?”

“Bakit?”

“Shit, answer me. Wag mong ibalik ung tanung ko.” Aniya.

“Mall.”

“Holy- Don’t tell me bumibili ka nang regalo for Faith? Kala ko ba hindi ka inte-”

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon