Chapter 14
Ilang sandali pa ay nakita ko na ang pagpasok nang iilang sumali din sa club na ito. Nakita ko ang iilang babaeng sumulyap muna sa akin bago umupo sa kanilang sariling upuan. Nang tignan sila ni Faith ay nakita ko ang pag ngiti nya sa mga ito.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at agad na sumimangot. It’s obvious, she doesn’t like me and it’s making me pissed.
“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa pagsali sa org namin.” She smile again. Crap. “Kaya ako nagpatawag nang meeting kasi gusto kong personal na magpakilala at magpasalamat sa inyo.” Aniya.
Pinilig ko ang ulo ko nang makita ang dalawang babaeng nagbubulungan sa gilid ko habang sumusulyap sa akin. Looks like I’m the only guy here. Mukhang kaming dalawa lang ni Dill ang sumaling lalaki dito.
“I’m Faith Samantha Santiago. 18 years old. Ako ang founder and President nang org na ‘to. At isa sa mga dahilan kung bakit ko tinayo ang org na ‘to ay unang-una sa lahat para magkaroon nang pagkakataon ang mga estudyante na natututo at makita ang kagandahan nang musika. Pangalawa, isa sa mga propaganda nang pagtatayo nang org na ito ay ang matulungan at mabigyang saya ang mga bata sa charity na nangangailangan nang attensyon at tulong nating lahat. Naisip ko na sa pamamagitan nang mga pagtugtog natin tuwing may events at makakakalap tayo nang pondo para sa kanila.” Aniya.
Dinilaan ko ang ibabang labi ko at ngumisi. She’s so nice. Totoo ‘yun. Hindi ko inaalis ang pagiging anak nya nang pastor. Pero talagang mabuti sya. I suddenly remember the moment she sung in front of the children in their church. Simula ata noon ay hindi na sya naalis pa sa isip ko.
Her voice is addicting, really.
Nagulat ako sa dami nang sumali sa org na ‘to. Well, karamihan ay babae na gustong matuto kung paanu tumugtog nang instrumento. Nang sabihin sa akin ni Jean na isa ako sa mga magtuturo nang gitara ay agad akong nanlumo. Naisip ko na hindi marunong si Dillon at maaaring kay Faith sya magpaturo. I don’t want that, gusto kong lumapit sa kanya pero hindi ko alam kung sa paanung paraan ko gagawin.
Nang makita ko ang iilang studyante na nakapaligid kay Faith ay agad ko syang nilingon. Matamis na ngiti agad ang salubong nya sa mga ito. She glanced at them, No. Stare at them at naiinis ako dahil ang damot-damot nya sa akin pagdating doon. I don’t understand her.
Galit sya sa akin dahil sa nangyari sa church? That’s not for her, it’s for Dill. At dahil doon ay masama na ang tingin nya sakin.
Pinatunog ko ang leeg ko at kinuha ang isang gitara na andoon. Nang magsimula akong magstrum ay nakita kong lumingon sya sa akin. Tumaas ang kilay ko at tinignan sya.
“I actually don’t know how to use this.” Ani ko.
Nakita ko ang pagpungay nang kanyang mata habang tinititigan ako. Lumunok ako at agad na naramdaman ang panghihina nang aking tuhod. Kanina lang ay humiling ako nang kahit na isang sulyap sa kanya, at ngayong nakatitig sya sa akin ay nakaramdam naman ako nang panghihina. Crap!
“Pero, ang sabi mo marunong ka?” tanung nya, mahinhin na tanung.
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
Non-FictionGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
