Chapter 48
Kaagad kaming bumyahe papuntang Charity katulad nang gusto nya. Isang Kilometro lang ang layo nun mula dito sa Hotel kaya walang problema. Tahimik sya buong biaje at sa totoo lang ay hindi ko alam kung anu ang tumatakbo sa isip nya ngayon. I don’tt really know if she’s happy or what. Oh, kung iniisip ba nyang kasalan ‘tong ginagawa naming dalawa. Of course, she’ll think that! Hindi naman si Faith ‘yung tipo na magsisinungaling. I know, she’ll always do and say what is right, but for my sake, alam kong nagtitiis sya.
Hinawakan ko ang labi ko habang nagmamaneho. Fuck. I kissed her earlier and she kissed me back, alam ko ‘yun at naramdaman ko. Pwede akong umasa diba? I can still hope that she’ll change her mind and come with me?
Nang dumating na kami nang charity ay agad akong bumaba para pagbuksan sya nang pintuan. Tumanaw sya sa akin at ngumiti. Ngumuso lang ako at binagsak ang pintuan bago sya sinundan sa loob.
Nakita ko kaagad na yakap yakap sya nang mga bata doon. Bumuntong-hininga ako at ngumiti kaay Mother Therese na kumakaway sa akin.
“Mabuti at nakadalaw kayo ulit.” Aniya
Tumungo ako.
“Opo. Kumusta po kayo?” tanung ko
“Mabuti naman kami at ang mga bata. Nakakatanggap kami nang malaking tulong galing sa simbahan kaya hindi na kami kinakapos pagdating sa kanilang mga pangangailangan.”
Tumungo ako.
“Salamat din sa mga tulong mo.” Aniya.
“Walang anuman po,Mother.” Sagot ko.
Ngumiti ako sa kanya. Simula ata nung napunta kami dito ay nagsimula na din ang magdonate nang pera para sa mga bata nang hindi nalalaman ni Faith. Alam kong hindi sya papayag dahil responsilidad ‘yun nang kanilang simbahan at alam nyang ang pamilya na din naming ang responsible para sa pagpapaayos noon pero alam kong ito lang ang maitutulong ko. Isa pa, sa buong buhay ko, pakiramdam ko, ito lang talaga ang nagawa kong tama.
Nilingon ko si Faith na masayang nakikipag tawanan sa mga bata doon. She’ll be a good mother at maswerte ang magiging pamilya at asawa nya. I feel so envious, kung sana ay pwede ako nalang ‘yun.
Napatingin ako kay Mother Therese nang hawakan nya ang aking kamay.
“Salamat sa pagaalaga mo kay Faith. Mabait syang bata. Bagay kayong dalawa.” Ngumiti sya. Ngumiti din ako, pilit.
Nalaglag ang tingin ko saking paanan. Nang magangat muli ako nang tingin ay nakita ko ang imahe nang Diyos na nakapako sa Krus. Muling bumigat ang dibdib ko.
“We can’t be together, I wonder why God allowed that, Mother.” Bulong ko.
Tumitig sya sa akin. Hindi ko alam pero para bang hindi nya na kailangang magtanung. Mother Therese probably know it already. Hindi ko alam kung Kaylan pa pero alam kong magkakilala si Mother Therese at si Pastor David kaya siguro ay naikwento na sa kanya.
“Grant, dapat tandaan mo na hindi lahat nang mga taong nagiging parte nang buhay natin ay para sa atin, minsan. Ginagamit lang sila nang Diyos para ituwid ang mali sa atin.” Bumaling sya kay Faith. “Faith is just an instrument Grant. One day, if you’ll love again. Pero hinding-hindi mo makakalimutan ang taong nagpabago sayo.”
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
Non-FictionGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
