Chapter 23

2.8K 77 10
                                        

Please like my Fb page, nasa profile ko po sya. Doon po ako nagpo-post nang announcement and updates. Thank you. (kung gusto nyo lang powsxzh)

______________

Chapter 23

Tumaas ang kilay ko habang inabangan ang sagot nya. Though, kahit na alam kong hindi nya naman ako sasagutin ngayon. Maybe my confession is still some kind of a blow for her. Alam kong alanganin pa din sya at malamang ay iniisip nya pading nagloloko ako. Shit, kung may pwede lang akong gawin para maniwala sya. I really really like her I want her to believe in me.

Hindi sya nagsalita. Kaya, hindi na din ako nagsalita. Tinitigan ko lang sya. Bahagya nya akong tinulak sa dibdib kaya lumayo ako nang kaunte, nang mas itulak pa nya ako ay hindi na ako pumayag. Hinuli ko ang isang kamay nya at bahagyang pinisil ‘yun.

“This distance enough, Faith. Ilang pulgada lang layo mo sakin pero pakiramdam ko ang layo-layo mo padin. Wag mo na ako itulak pa palayo.” Bulong ko sa kanya.

Humulukipkip sya at kitang-kita ko ang pulang-pula nyang mukha. God, I don’t mind kung nasa ganitong posisyon lang kami habang-buhay. I don’t mind.

Naramdaman ko ang pangangatal nang mga daliri nyang nasa dibdib ko. Nalaglag ang tingin ko doon. Totoong nanginginig sya.

Pumikit ako at suminghap. “God, Faith. Your trembling fingertips are very tempting.” Ani ko. Suminghap sya at nagangat nang tingin sa akin. Bumagsak ang kamay nya sa kanyang tagiliran pagkatapos noon. She’s so cute, Dammit! She’s so cute! Kung kay Dillon o sa ibang lalaki sya magpapakita nang ekspresyon na ganyan ay baka magwala ako. I want that expression to be only seen by me. Ako lang, Fuck! Hindi ko alam kung Kaylan pa ako naging possessive nang ganito. But, I’m so sure that this is serious. Tinanggap ko na sa sarili kong gusto ko sya at ngayon, kung hindi sya mapupunta sa akin at mawawasak akong talaga. If she doesn’t like me, I’ll surely break.

Kahit kunteng pagtingin lang. kahit kunteng-kunte lang, sana, kahit kakarampot na pagasa may maaninag manlang ako sa kanya.

Nang may kumatok sa pinto ay nakita ko ang kaagad nyang pagtalon. Ngumuso ako nang agad syang umalis at lumapit sa pintuan at binuksan ‘yun. Bumungad sa amin ang nakangiting si Jen.

“Uy, anung ginagawa nyo dyan? Kain na daw tayo.” Aniya.

“Yeah.” Sabi ko.

Tumungo-tungo si Faith sa kanya. Pinanuod ko lang ang galaw nya hanggang sa makalabas sya nang pintuan, hindi na nya ako nilingon pagkatapos noon. Nilingon ko si Arlene at inayos ang kanyang kumot. Bumuntong-hininga ako at pumikit. I hope she doesn’t hate me for this, Am I being impulsive? Masyado bang mabilis sa kanya ang lahat nang ito? Fuck! Hindi naman kasi ako sanay nang dahan-dahan, hanggang may matutuka, tutukain ko. Pero pagdating sa kanya? Fuck!  Maski ang pagkilos ko limitado na, Tsk! Isa pa, mukhang lito padin sya, ibig sabihin, I can’t still think that it’s a yes, right? Hindi padin? Unteng tulak pa?

Lumabas na din ako. Ako ang huling umupo sa hapag kainan. Nang igala ko ang tingin ko ay nakita kong wala nang ibang bakanteng upuan kundi ang tabi ni Clara. Tinagilid ko ang ulo ko at sinuyod si Faith, tumaas ang kilay ko nang makitang magkatabi sila ngayon ni Dillon.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon