Chapter 21
“Yes, Grant. You’re really doomed.” Sabi sakin ni Thunder nang sabihin ko sa kanya ang problema ko. Umupo ako sa kama at sumabunot saking buhok.
“Fucking Dillon. Ako naman talaga ang nauna.” Ani ko.
Umiling sya. “You know Dillon, Grant. Sa lahat dito ikaw ang pinakamalapit sa kanya at ikaw ang nakakaalam kung paanu sya magkagusto sa isang babae and he looks serious doon sa Faith. Hindi ko talaga alam kung anung nakita nyo doon. She’s just a plain face. Anak nang pastor ‘yun. Konserbatibo.” Aniya at umiling-iling.
Humulukipkip ako at hindi na sumagot. Syempre, Talaga simple ‘yun! Kahit nga ako ay hindi din alam kung anung nagustuhan ko sa kanya pero ang alam ko ay ang lakas-lakas nang tama ko. Fuck! Kung katulad lang sana sya nang mga babae kong madali kong nalalapitan! At kung hindi lang sana sya gusto ni Dillon!
“Give up. Bigay mo na kay Dillon ‘yun.” Ani ni Thunder at inilabas ang sigarilyo sa kanyang bulsa. Nalaglag ang panga ko. What is he talking? Anung give-up ang sinasabi nya? Hindi ganun kadali ‘yun. I can’t! You see, ilang beses ko nang sinubukan hindi ba? Pwede wala padin!
“I.. I c-can’t give up, Thunder. That girl is mine.”
Napatingin sya sakin nang laglag ang panga.
“Whoa! Whoa! I don’t know that you’re being territorial now to a girl!” Natatawang sabi nya.
“This is something serious, Thunder.”
“Damn Dude, you’re madly smitten. Nakakatakot kana.” Aniya.
Well, anung gagawin ko? Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya pero ayaw ko din namang mapunta sya kay Dillon. The hell! I’m really going to break if that happens.
“San kamo ‘yun, Grant?” tanung ni Mommy sa akin.
Umuwi na kasi sya galing States at kasama na nya si Daddy na ngayon ay naroon sa kanyang office.
“Sa kabilang probinsya, Mom.” Nakita ko ang pagkunot nang kanyang noo.
“Kabilang probinsya? Hindi ba delikado doon?”
“Mom, hindi po, okay? Infact, aren’t you happy? I’m finally participating in school’s activity. See? I’m productive now. Hindi na ako nagsasayang nalang nang oras sa walang katuturang bagay.” Depensa ko sa sarili ko.
Ngumuso si Mommy sunod ay ngumiti.
“Of course, I’m happy Anak. I’m just worried, okay?”
“Alright Mom. Malaki na ako. Don’t treat me like a child anymore.”
“What? Oh Grant, you’re in your rebellious age! Dapat sa inyo ginagabayan pa nang magulang!” Aniya.
Umiling-iling ako. Well, hindi ko alam kung bakit nya ako sinisermunan ngayon, eh, noon palagi nyang sinasabi sa akin na wag nang puro pagba-bar ang gawin ko at maghanap ako nang ibang bagay na may katuturan para pagkaabalahan. Well, ito na ‘yun!? Mom should be happy and proud of me!
“Damn, Grant! Wake the fuck up! Anu ba!” dinilat ko ang mata ko nang maramdaman ang ilang beses na pagalog sa akin ni Dillon. Banas ko syang tinignan.
“Anu ba!” singhal ko sa kanya.
Umiling sya at binato ako nang unan. “Fuck, hindi ka pa bihis? Anu ba! Sasama ka ba?” tanung nya sakin. Sinilip ko ang orasan at nakitang alas singko palang nang madaling araw. Sunod kong tinignan si Dillon na full pack na. Sumimangot ako. It’s rare for him to wake up this early, tss! He’s showing off!

BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
No FicciónGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...