Chapter 22

2.8K 92 14
                                        

Chapter 22

Hindi naman sya nagreply sa akin. Sa halip nakita ko syang humulukipkip lang doon at hindi na umimik at hinayaan nalang sya. Atleast, she's not talking with Dillon now. Ngumisi ako there.. better, Faith.

Totoong mahaba ang biaje, kaya nung may nadaanan kaming drive thru ay agad kaming huminto doon para bumili nang pagkain at para nadin makapagCR ang mga girls. Bumuntong-hininga ako at at hinarap si Thunder na nakasandal sa van, nakatingala at humihithit nang kanyang sigarilyo.

"Ang tagal talaga magCR nang mga babae." Reklamo nya sa akin. Inangat ko ang bottled water na hawak ko at tumabi sa kanya. Hindi ko na sinagot sa sinabi nya sa halip, sinundan ko nalang nang tingin ang mga girls na papalabas nang McDo doon. Nagtatawanan sila at nasa likuran nila si Faith na nakatawa din. Gumaan ang pakiramdam ko sa nakangiti nyang mukha. Tinagilid ko ang ulo ko at umayos nang pagkakatayo nang makalapit sila sa amin.

"Uy! Tara na?" tanung ni Bash at agad na tinulak si Thunder na nakaharang sa pintuan.

"Fucking shit! Problema mo!?" singhal ni Thunder sa kanya

"Nakaharang ka at ang baho nang hininga mo nang dahil sa sigarilyo 'yun ang problema ko!"

"Oh really? Come on, Bash. I know you're mad because I played your bestfriend. Pero, hindi mo naman kailangang magreact nang ganyan. Ok fine, I can play with you too, huh?" Tumaas ang kilay ni Thunder at lumapit pa sya kay Bash at hiningahan ito sa mukha.

Ngumisi ako. Asshole!

"Umalis ka! Tsss!" Umirap muna si Bash bago pumasok sa loob. Nakita kong tinapon ni Thunder ang kanyang sigarilyo at inapakan 'yun bago pumasok na din. May subo-subo pa syang candy.

Dumating si Dillon kasama sina Ken, Jaylord at Ron kaya pumasok nadin kami sa van. Tulad kanina ay si Clara padin ang katabi ko. Hindi naman ako makapagreklamo dahil ayoko nang mabad-shot pa kay Faith.

"Grant, ina-add kita sa facebook, hindi mo pa naaaccept,"

"Uhm. Really? Sorry, hindi pa kasi ako nagoopen. I don't have time, though." Ani ko.

Humulukipkip sya at sunod kong nakita ang kanyang pagnguso. "Ah, nakita ko din kasi na madaming nagpo-post sa wall mo. Wala ka namang nirereplyan doon, pero nakita ko na may isang nagpost doon from month ago? 'yun kay Danae Dominguez, you like her post." Pumula ang kanyang mukha.

Gulat akong tinignan sya. What? Is this girl a stalker? Tss! Creepy, huh?

"Ah, hindi ko na matandaan." Ani ko at nagiwas na nang tingin.

Pumikit ako pero hindi ko naman magawang matulog. Humulukipkip nalang ako doon at nilaro sa kamay ko ang aking cellphone. Anu kaya kung magtext ako ulit? Magrereply kaya sya sa akin?

Nalunod na ako sa pagaalala ko dahil doon at sa huli ay minabuti kong manahimik nalang at hindi na sya i-text. Ilang sandali pa nakita ko na ang paguunat nang ilan dahil sa wakas ay narito nadin kami. Binuksan namin ang pintuan nang van at mula sa loob ay kitang-kita ko na kaagad ang iilang maliliit na batang nakaabang doon. Nasa likuran nila ang iilang madre na nakangiti din sa amin. Gumalaw ako pero napatigil din nang makita ko ang mabilis na pagbaba ni Faith nang sasakyan, bumaba sya at nakita ko nalang ang mabihis na pagtakbuhan sa kanya nang mga bata doon para yakapin sya.

"Malapit 'yung mga batang yan kay Faith. Eh, ang balita ko palagi talagang pumupunta si Faith dito kasama si Pastor David, ang kaso syempre busy din si Pastor kaya si Faith nalang."

Nilingon ko si Clara nang dahil doon.

"Mahina ang katawan ni Faith, sakitin sya kaya hirap din syang bumyahe nang ganito kalayo tapos commute lang. kaya mabuti nalang nagkaroon nang activity na ganito sa club."

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon