Chapter 9

3.1K 70 3
                                        

Chapter 9

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan kung saan kami magkikita ni Dianne, Panay ang kagat ko sa labi ko. Tinitignan ko ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw nang upuan nang sasakyan na nasa tabi ko. Bullshit! Anu ba ‘tong ginagawa ko?

Inihinto ko ang sasakyan dahil gulong-gulo ako. Hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha pagkatapos ay tahasang kinuha ang cellphone ko at binuksan iyon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa compose message.

“Bullshit! Anu ba ‘tong ginagawa ko?” bulong sa sa sarili ko.

Oh. Crap! Get hold on of yourself, Grant. Hindi mo nga alam kung totoong numero ba nya ang ibinigay nya kay Dillon kanina.

Namawis agad ang kamay ko nang makaisip nang pwedeng sabihin sa kanya.

Ako:

Uhm- Ako ung sumali sa org nyo. Nice to meet you.

Nagisip pa ako nang isang milyong beses ung isesend ko ba ‘yun. Nang nakahinga ako nang mauwang ay lakas loob ko nang ipinadala ang message. Agad kong tinapon ang Iphone ko sa likuran nang sasakyan. Bullshit! Daig ko pa ang bakla sa ginawa ko. Shit!

Hinampas-hampas ko ang manibela pagkatapos ay agad na nagangat nang tingin nang makitang umilaw iyon. Damn! Mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ko ‘yun sa likuran. Nawala ang excitement ko nang makita si Dillon ang tumatawag.

“Fuck you to the moon and back!” singhal ko sa kanya. Muli ako bumalik sa driver’s seat pagkatapos ay pinaandar ang sasakyan.

“Damn bro. Nawala ‘yung number ni Faith sa cellphone ko. I’m sure. Na-save ko ‘yun eh.” Aniya.

Tumaas ang kilay ko. Yeah. I’m so sorry Dill. I am such a dumbass.

“Uh-huh?” Ani ko.

Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. “Badtrip! Hindi ko tuloy sya matext.” Aniya

Kumunot ang noo ko pagkatapos ay sandaling binalingan nang tingin ang cellphone ko. No reply.

“Baka hindi nya numero ung binigay nya sayo.” Singit ko

“Don’t be. Alam kong numero nya ‘yun. Hindi sya sinungaling na kagaya mo.”

“Gago!”

“Tss. I’m going to get her number again.” Aniya

Sinandal ko ang siko ko sa bintana. Now, I’m pissed. Sobra-sobra na.

“Wag na, Dill. Humanap ka nalang nang ibang babae.” Ani ko. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay nagdasal n asana ay sumangayon sya sa sinabi ko. Tumahimik sya sa kabilang linya, Sunod kong nadinig ang pagtutol nya sa sinabi ko.

“Damn. No, Grant. Sige, I need to go.” Aniya pagkatapos ay ibinaba ang tawag.

Pinilig ko ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako. I want to get rid of this crush thingy because it’s so frustrating. Bullshit.

Inihinto ko ang sasakyan nang makita na si Dianne na nakatayo sa harapan nang gate nang CCCC. Bumaba ako nang sasakyan pagkatapos ay pinilit na ngumisi nang magtagpo ang mga mata namin.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon