Chapter 58

2.3K 77 16
                                    

Chapter 58


Hindi sya nagsalita at tumitig lang sa akin. Ilang beses nyang inaawang ang kanyang labi. Alam kong may gusto syang sabihin pero hindi nya itinutuloy. Shit! Hindi ko alam kung anung kinatatakot nya at hindi nya masabi-sabi sa akin ang laman nang isip nya.


"W-we'll be in trouble kapag nadinig nya tayo." Pilit nyang tinatago ang pagkangatal sa kanya boses. Ramdam na ramdam ko 'yun.

"I already told you, Faith. I don't care if they know about us. Nalaman na nila at ang buong akala nila ay nakalimot na ako sayo pero hindi. I-I don't know. I am so fucking helpless at kahit na anung gawin ko, hindi ko magawang makalimot sayo.." Nagangat ako nang tignin sa kanya. "Ikaw? N-nakalimot ka na ba? Huh, Faith?" punong-puno nang pagasa ang boses ko habang tinatanung sya nito.


Hindi ko alam ngayon kung anu ang mas masakit. 'Yun bang hindi nya sinasagot ang tanung ko at manatili akong walang alam, o kung sagutin man nya ako pero hindi ko magugustuhan ang magiging sagot nya.


"H-hindi 'to tama-" Malikot ang kanyang mata.

Pumikit ako. Fuck! Malabo padin ang sagot.

"Just answer my damn question, Faith."


Tumikhim sya at sinara nang mariin ang kanyang labi. Wala syang planong sumagot. Wala syang planong sagutin ang tanong ko. Kahit kaylan ay wala. I feel like she's going to make me wonder forever. Pakiramdam ko, hinahayaan nya lang akong maging tanga sa kanya nang ganito.


Lumunok ako at bumagsak ang kamay saking tagiliran. Kinagat ko ang dumurugo kong labi at masakit syang tinignan.


"Grant.. Gagamutin ko-"

"Hell. Fuck off." Singhal ko sa kanya. Napatigil sya at naiwan ang kanyang kamay sa ere.


Hinayaan ko na 'yun at hindi na pinagbigyan pa ang aking sarili. Lumabas ako nang kwarto ko at pumunta sa roof deck. May ref doon at nakuha ko pang kumuha nang beer para uminom muli. Lasing na ako pero pakiramdam ko kulang pa ang pagkalasing ko ngayong gabi. Dapat pala ay lasing na lasing ako 'yung tipong hindi ko na makakayanan pang bumangon. 'Yun tipong hindi ko na makayanan pang makakilala.


"Fuck!" sigaw ko at hinagis ang walang lamang bote nang forter sa lapag. Matinis ang tunog nang nabasag na bote at nagkalat ang bubog nito.


Hindi ko alam kung hanggang kaylan ako makukulong sa pagmamahal na walang kasiguraduhan. Hindi ko alam kung hanggang kaylan pa 'to. O kung matatapos pa ba.


Hindi na ako bumalik pa sa kwarto ko at dito na nahiga. Hindi naman malamig at hindi ko din alam kung paano ako nakatagal sa ganong posisyon. Matangkad ako at hindi ko malaman kung paano ko napagkasya ang sarili ko sa mapakaliit na kawayang upuan na naroon.


Pulang-pula ang mga mata ko nang magising ako at masakit ang aking ulo. Nang madinig ko ang ingay nila sa ibaba ay nagpasya nadin akong kumilos na. May pasok ngayon si Manang kaya malamang ay nalinis na nya ang mga nabasag na bote ko kaninang madaling araw. Napansin ko din kasi ang unan at kumot na nakabalot sa akin ngayon.


Tinulak ko ang pintuan nang aking kwarto. Wala nang bahid ni Faith doon. Mabilis ako naligo at naglinis nang sarili. Two days left at graduation ko na. Mabuti nalang ay bukas pa ang dating nila Mommy at Daddy. Sana lang ay wala na 'tong pasa ko sa labi nun kung hindi ay walang humpay na pagtatanong at pang iintriga galing kay mommy na naman ako dadanasin ko.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon