Chapter 39
“Dillon!” tinawag ko si Dillon nang makita ko ang bago nyang sasakyan na paalis nang aming carpark. Hindi nya ‘yung hininto. Napamura ako sa isipan ko at hinabol ang sasakyan nya.
“Fuck, Dillon!” sigaw ko at kinalabog ang pintuan nun. Mabuti nalang at hindi pa sya nakakalabas nang gate kaya mahina pa ang kanyang pagtakbo. Nakita ko ang pagsimangot nya sa loob at napilitan nang buksan ang pintuan. Pumasok ako agad.
“The hell?” Aniya sa akin.
Ngumiti ako. “Come on. Where to? Wanna bar? May alam ako.” Natawa ako pagkatapos ay pinatong ang dalawa kong paa sa dashboard nang kanyang sasakyan. Napamura sya sa ginawa ko.
“Fuck!”
“Ganda. Kaylan ‘to binili?” tanung ko habang pinapasadahan nang tingin ang paligid nang sasakyan.
“Lumabas ka nga!” sigaw nya sa akin.
Natawa lang ako. “Come on. Stop the hate Dillon. Magbati na tayo.”
“Fuck you.”
Binalingan ko sya. Pumait ang mukha ko. “Stop being such a girl Dillon, hindi na worth it pagawayan ang mga ganung issue. We’re through. We can’t be happen and you guys can’t happen too.” Natatawang sabi ko.
Nadinig ko ang kanyang tikhim. Binalingan ko sya nang tingin at nakitang mukha padin syang balisa. I don’t know if he’s still affected or not.
“Nag-break kayo?” tanung nya. He’s curious. Parang babae talaga.
Ngumuso ako.
“Step on the gas, Dillon. I want to have fun.” ‘yun nalang ang sinabi ko.
Hindi na nagsalita si Dillon at nagsimula nalang sa pagpapaandar nang sasakyan. Humulukipkip ako doon at malayong tumingin sa bintana habang nilalaro ang aking ibabang labi. I’m lost. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
I don’t want to be with my cousins right now. Sa totoo lang, kung hindi ko nakita si Dillon ngayon ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
“So you skipped class?” tanung nya.
Ngumisi ako. “Yeah and you skipped class too.”
“Palagi ko naman ‘tong ginagawa. What’s new?”
“So do I.”
“Not until there’s Faith.” Aniya at inihinto ang sasakyan.
Umiling ako. Ayoko nang pagusapan ang tungkol dito. Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip. Nagmumukha na akong tanga sa kakaiyak. Hindi ko alam kung bakit kailangang ako pa ang kailangang magmahal nang ganito kalala. I just love her and it’s so fucking hurt. I’m willing to keep this, itatago namin ang sa amin kung ‘yun ang gusto nya. Pero dahil sinabi nyang tapos na kami ay wala akong magawa.
“She’s your sister. Anung gagawin mo?”
“Umiwas?”
“I don’t believe you. Knowing you, you’re so possessive. Hindi ako maniniwalang iiwas ka” Ani nya at inayos ang kanyang seatbelt.
I want to be near her. But, I can’t stand it too. Lalo na’t sa tuwing nakikita ko sya ay gusto ko syang takbuhin at yakapin. I know it’s bad. Because we are trying to do the right thing.. I am trying.
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
Non-FictionGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
