Chapter 27
Tumahimik na ang lahat nang dahil doon. ‘Yung mukha ni Sarah, Jen, at Bash ay hindi maipinta, maaring nagulat sila. Hindi naman kasi ako vocal sa nararamdaman ko kay Faith. Si Dillon ang ganun.
“Anung.. ibig sabihin.. alam ba ‘to nang pinsan mo, Grant?” Nadinig ko ang pangatal nang boses nang madalas na tahimik lang na si Jen.
Umiling ako.
“No.” sabi ko
“Paanung.. tinatalo mo ba ang pinsan mo?” tanung ni Sarah.
Si Bash ay mabilis na tumayo para sundan si Clara.
Hindi na ako umimik. Wala akong dapat pang ipaliwanang sa kanila. I’m not obliged to give them an explanation. Dumiretsyo ang tingin ko sa tumayong si Faith. Oh no!
Mabilis akong tumayo din at sinundan sya. Pumunta muna sya sa counter para ibalik doon ang pinagkainan nya, pagkatapos ay dumiretsyo na sya sa pinto nang canteen para lumabas.
“Faith, Wait!” Sabi ko habang sinusundan sya. Hindi nya ako pinapansin sa halip ay diretsyo lang sa paglalakad, nabubunggo ko na ang iilang estudyanteng nasa hallway pa. Ang ilang ay humihinto pa para sundan ako nang tingin, malamang ay natataka sila kung bakit narito pa ako gayung ‘yung mga pinsan ko ay kanina pa umuwi.
“Faith!” sigaw ko pero wala padin.
Naiinis ako at kulang nalang ay sabunutan ko ang sarili ko sa sobrang pagkairita. Hindi kaya galit sya sa akin dahil umamin ako sa harap nang mga kaibigan nya? Fuck!
“Faith, please..” Frustrated kong sabi pagkatapos mahuli ang kanyang kamay.
Lumingon sya sa akin at hinila ‘yun pero wala na akong balak pakawalan pa. Bumuntong-hininga ako nang magtagpo ang mga mata namin.
“Damn Baby, I can’t be mad at you kahit na pinapahabol mo ako nang ganito.” Hinihingal na sabi ko. This insane! Mabuti nalang at narito na kami malapit sa carpark at wala nang tao.
Tinitigan ko sya at nakitang bahagyang nakaawang din ang kanyang labi. Hinihingal din sya.
“Come on.” Ani ko at ako naman ang humila sa kanya. Nagpatinaod sya sa akin na parang bata. Fuck, she’s so adorable at gusto ko nalang syang itago sa bulsa ko ngayon para hindi na sya makita nang iba, dahil sa bawat taong madadaanan namin ay nakikita kong pinagtitinginan sya. Tss!
“Grant, bitawan mo na ako.”
“No. You’ll run again.” Madiin kong sabi. I squeezed her small hand, I feel her flinched. Nagulat ako at napatigil dahil baka nasaktan ko sya nang dahil doon.
Tinignan nya ako at ngumuso.
“Bitawan mo na ang kamay ko. Nasasaktan ako.” Halos bulong nya.
Suminghap ako at nalaglag ang tingin sa kamay kong nakahawak sa kamay nya. Now, hindi ko alam kung sa paanung paraan ko ba sya hahawakan nang hindi sya masasaktan, She’s so fragile.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at bahagyang tinagilid ang akong ulo. Hindi ko alam kung kaylan pa ako naging possessive nang ganito, ngayon ko lang to naramdaman at talagang pakiramdam ko ay mababaliw na ako. There’s no hope for me anymore, I’m inlove, so madly inlove.

BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
SaggisticaGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...