Chapter 10

3.3K 78 5
                                    

Exercise your faith, Walk with God.

Chapter 10

Nagniningning ang aking mata habang tinititigan ko ang aking cellphone. Baliw na nga ata ako. Ngayon ko lang talaga naintindihan at narealized and importansya nang cellphone sa buhay ko. Noon, Wala naman ‘tong halaga sa akin maliban sa pagtext sa iilang babae at sa mga pinsan ko, madalas kasi. Skype ang ginagamit namin nila Mommy.

“Grant? What’s wrong?” lumamig ang boses ni Dianne sa gilid ko.

Binaba ko ang cellphone ko sandali syang binalingan. Lumunok ako. Nakangisi pa ako nang bumaling nang tingin sa kanya, Lalong nagkunot ang kanyang noo. Crap!

“Ah, I’m sorry, Dianne. But. Can I go now? My cousin needs me.” Sabi ko.

Pumungay ang kanyang mga mata habang kinakagat ang ibabang labi. Pinilig ko ang ulo ko. Don’t tell me.. just like Quinn ay sasampalin nya ako dahil sa pambibitin ko sa kanya?

“Diann-“

“It’s okay, Grant. You can go.  I understand.” Aniya.

Ngumiti ako. Para akong nabunutan nang tinik sa lalamunan, Kating-kati na akong balingan nang tingin ang cellphone ko at nagreply na kay Faith. Mabait talaga si Dianne, Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay pinagtyatyagaan nya ako kahit na paminsan-minsan ay cold ako sa kanya.

“Thank you. Take care, okay?” Ani ko sa kanya.

Akmang tatayo ako nang hilain nya ako at halikan sa labi. Pumikit nalang ako at hindi gumanti sa mga halik nya. Frustrated syang lumayo kaya niyakap ko nalang. Crap. This is bad. Ngumiti sya at ngumiti nalang ako.

Nagmamadali akong umalis sa bahay nya, Nasa loob na ako nang sasakyan pero hindi ko pa ito pinapaandar, Panay ang type at bura ko nang pwede kong ireply sa Faith na ‘yun. Fuck. This is insane!

Ako:

Uhm. Anu ba ang ginagawa sa club nyo? Aside sa tutorials at pagtugtog tuwing may events?

In the end, ‘yun lang din ang nasabi ko.

Umiling-iling ako pagkatapos ay nagsimula nang paandarin ang sasakyan para makapunta na sa building namin. Inilapag ko ang cellphone ko sa upuan at paulit-ulit na binabalingan iyon nang tangin.

Ilang sandali pa ay nakarating nadin ako. Tiningala ko ang building namin pagkatapos ay binalingan nang tingin ang cellphone kong wala pang reply, I believe tapos na naman ang misa ngayon.. Busy kaya sya? Text ko kaya ulit? Pumikit ako at umiling-iling. Damn, anu ba ‘tong iniisip ko?

Pagkapasok ko sa loob ay agad din akong sumakay nang elevator papunta saming bahay.

Sa iisang building lang nakatira kaming mga magpipinsang Hernandez. Bawat floor ay bawat bahay namin, sa 3rd floor kami nang building nakatira, Madalas ay doon natutulog ang mga pinsan kong iba.. Sa ibaba ay ang carpark kung saan nakahilera ang mga sasakyan namin. Hanggang limang palapag ang building na ito ay sa pinakataas ay ang rooftop kung asaan doon kami madalas na naiinuman, sa Ikaapat na palapag naroon ang mga guestroom kung sakaling may mga bisita.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon