Chapter 41
“Wala ka nang balak umuwi dito sa bahay? Uuwi kalang ba kapag kukuha nang damit ha? Kuya?” Nagtatalak na naman si Prom sa likuran ko.
“Bakit ba? Hindi ba’t ‘yun naman ang gusto mo? Kapag wala ako dito Tss.” Iritadong sabi ko.
“What’s happening to you, Kuya? Nagwi-wierduhan na talaga kami sayo.” Aniya.
“Just.. just leave me alone, Prom. Kung nakatalak ka dyan akala mo naman sa malayo ako pupunta. Sa Third floor lang naman ang bahay nila Dillon. Tss.” Sabi ko.
Suminghap sya. Mahigit isang buwan na at kila Dillon na halos ako tumitira. He won’t mind. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Sinabi ko sa kanyang Faith doesn’t want me anymore. Alam nya ‘yun. Alam nyang ilang beses na akong nagmamakaawa at nagpapaka-gago sa kanya. Nagsusumbong ako na para bang hindi ko nakuha ang hustisyang dapat ay para sa akin. Dahil simula nung gabing nalaman namin na magkapatid kaming dalawa ay awtomatik nang natapos ang lahat sa amin pakiramdam ko ay hindi manlang ako napagbigyan nang pagkakataon na ipagtanggol kung anung meron sa amin, awtomatik na talo agad ako..
“Dapat kasi ay may lalaki dito sa bahay. Puro babae kami dit-“
“Prom, walang mangyayari sa into dahil may guard sa ibaba. And there is an emergency butto-“
“Hindi ‘yun ang point ko, Kuya.”
Suminghap ako. “Then, what’s your point?” tanung ko.
“Dahil ba kay Faith? Ayaw mo ba talaga sa kanya? Oh my God! Noon pa, ganyan kana sa kanya. Wala naman syang ginagawa sayo. She’s nice. Try mo kasing makipagbond din sa anya.”
Natigil ako sa ginagawa ko at nilingon sya.
“Gusto ko sya, Prom. Believe me, I like her a lot.” Mukhang nagulat sya sa sinabi ko pero bumalik din sa dati ang ekspresyon nang kanyang mukha. Para bang hindi nya binigyan nang kahulugan ang sinabi ko sa kanya.
“Oh, kung ganun, bakit ang cold-cold mo?” Aniya.
Tinitigan ko lang si Prom. Wala syang alam. Malamang ay walang sasabihin si Faith sa kanya. I know, wala talaga syang sasabihin tungkol dito dahil sya ang nagmamatigas at nagsasabing ayaw nyang may makaalam nang sa aming dalawa.
“Don’t mind me. Alis na ako.” Sabi ko at diretsyong lumabas nang aking kwarto.
“Kuya. Wait!” sinundan ako ni Prom pero umiling lang ako at hindi na sya pinansin, She’s loud. Talagang anak sya ni Mommy. Sya ang tipo nang babaeng hindi mo na kailangan pang proteksyunan, kung lalaki ka at nakasagutan mo sya, siguradong aatras ka sa takot at hiya.
Binuksan ko ang pintuan para makaalis na dahil rinding-rindi na ako sa kanya. Pero nagulat nalang ako nang agad na nakita si Faith na papasok din sana doon. Nagangat sya nang tingin sa akin pababa sa dala kong bag. Nagigiting ang bagang ko nang tumagal ang titig nya sa akin.
“oh, Faith! Andito kana pala. San ka galing?” Pambabasag ni Prom sa katahimikan.
“Ah. O-oo. Kay Papa. Akyat na ako.” Aniya at dinaanan ako. Hindi ko sya nilingon pero nadinig ko ang mabilis nyang yabag pataas nang kwarto. Kumirot ang puso ko. She doesn’t mind. She doesn’t.
“Hay naku, Kuya. Ewan ko sa inyong dalawa.” Umirap si Prom at sinundan si Faith sa itaas.
Nag-ugat na ang paa ko sa kinatatayuan ko at hindi na ako nakagalaw pa. Panay lang ang buntong-hininga ako habang nagiigiting ang aking bagang. Dammit Faith, I really wanted to get over you. I want, Baby.
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
Non-FictionGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
