Chapter 54
Pati bagong taong ay dito na ako nagcelebrate sa Manila. Wala na talaga akong planong umuwi at wala nadin akong planong makibalita kung ano pang nangyayari doon. Siguro nga ayoko lang magkaroon nang dahilan para sa sarili ko para makita sya. Ayoko ko ng hayaan ang sarili ko na umasa. Ayaw ko na ata sya makita. Dahil sigurado akong hanggang ngayon ay narito padin ang pagmamahal ko. At sa oras na makita ko sya ay alam kong matitibag na naman ako. She want me gone and I did it kahit ang hirap. Kahit na ang sakit. Nawala nga ako pero hindi ang pagmamahal ko sa kanya alam na alam ko sa sarili kong buhay na buhay padin ito hanggang na ngayon.
Alam ko kapag nakita ko sya ulit at kapag narinig ko ulit ang boses nya ay manghihina pa din ako. Dahil hanggang ngayon alam kong sya padin ang kahinaan ko. She will always be my weakness. Baka nga kung sakaling sabihin nya saking mahal nya ako at hilingin nyang bumalik ako sa buhay ay kaya ko pa syang pagbigyan. Ganoon ko sya kamahal. Kaya kong ibigay sa kanya ang kahit na ano basta hilingin nya sa akin. Sobra-sobra ang pagmamahal na mayroon ako dito sa puso ko para sa kanya at nakakagalit na hindi nya manlang ako binigyan ng pagkakataon para patunayan 'yon dahil binitawan nya ako kaagad.
"Bored?" Naramdaman ko ang pagalon nang tubig saking gilid. Tumingala ako at nakita ang paglusong ni Rihanna. She's wearing a hot red two piece at tanaw na tanaw ko ang makinis nyang hita at dibdib. Ngumisi ako at hinayaang humilig sya sa akin.
"I'm not."
"What are you thinking? Akala ko ba ikaw ang may gusto nang bakasyon na 'to?" tanung nya.
"Yeah. I'm alright. I just don't feel like talking." Sabi ko.
"Hmm. Parang hindi ka naman nageenjoy. Do you want to do something else?" Aniya at kaagad na gumapang ang kamay sa akin sa ilalim ng tubig.
"I'm really fine, Rian." Winaksi ko ang kanyang kamay.
"Hey, I told you don't call me Rian." Angal nya.
Binalingan ko sya nang tingin.
She pouts. Bumaba ang tingin ko sa labi nyang kasing pula nang suot nyang swimsuit. I saw Faiths lips again. Lumunok ako at inangat ang kamay ko para burain kung anumang chemical ang nasa labi nya. Bumalikwas sya dahil sa ginawa ko.
"What are you doing?" mukhang nairita sya sa ginawa ko.
Tinagilid ko ang ulo ko at pumikit.
"Sorry. I don't like your lipstick." Sabi ko.
Tumalikod ako at umahon sa hot spring. Narito kami sa Laguna para magbakasyon kasama ang ilan naming mga kaibigan. Same friends na kasama namin nung Christmas. I'm bored. Kuya Russell and Ate Cory are in France right now at wala akong magawa sa condo kaya mas mabuti na din ito. We rented a private resort at nakikita kong nagkakasayahan na ang iba habang ang mga girls naman ay nagluluto nang makakain.
Umupo ako sa isang upuan doon at tumikim nung pork na iniihaw ni Rina.
"Grant!" sigaw ni Rihanna sa likuran ko.
Nilingon ko sya. "Sorry. Okay? Tatanggalin ko kung di mo gusto." Aniya.
Hindi ako sumagot at tumungo nalang. "It's okay. Sorry."
"Hindi okay lang talaga. Hindi mo ba gusto ang color? Why do you want me pale always? Maputla kapag walang kulay ang labi."

BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
SachbücherGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...