Sorry for the long wait.
___________
Chapter 26
Naging awkward na ang lahat pagkatapos noon. Bumalik kami sa Charity at wala nang nag-imikan. Sa tingin ko ay talagang nagulat sila. Pinunasan ko ang labi ko habang nakatanaw sa likuran ni Faith habang niyayakap nang mga bata. Ngayon ang alis namin. I want to talk to her last night, pero nung kakausapin ko na sya ay nakita kong mabilis syang nakatulog. Though, hindi ko alam kung tulog ba talaga sya nun o nagtutulog-tulugan lang.
“Bye, Kids! See you next time!” Kumaway-kaway na parang superstar si Dillon sa kanila. Kumaway din ang mga bata sa amin at pumasok na sa loob. Si Thunder na ang nagmamaneho, napilitang tumabi sa kanya si Bash dahil sa panay na tulak nila Sarah at Clara para magbati na ang dalawa. Si Dillon katabi parin si Faith. Naiinis ako, lalo na’t si Clara padin ang katabi ko ngayon. Shit.
Naglagay ako nang headset sa tenga ko. Ayokong kausapin ako ni Clara at ayaw ko din syang kausapin. I’m pissed. I’m so sure that I said this before already, I don’t want aggressive girls, I hate that!
Binalingan ko si Faith na nakahalukipkip lang doon. I wonder what she’s thinking of me now, she’s not smiling nor talking. Nevertheless, I can’t tell if she’s mad or what, I don’t want her mad. Though, I’ll be very happy if that’s because of the kiss.
“Ay, bakit ang awkward?” Tumatawa si Dillon at malakas ang boses. Kumunot ang noo ko at binalingan sya. Nasa tabi nang bintana si Faith, katabi nya si Dillon, sumunod ako at si Clara.
“Shut up, Dill.”
“Why are you so mad? It’s just a kiss, tsaka, hindi lang naman halik ang nagagawa mo noon! Wag ka ngang pa-virgin dyan!” bulalas nya.
Nadinig ko ang tawa ni Thunder habang nagmamaneho. Malakas ang boses nya kaya nakita ko pa ang paggalaw ng tulog na si Bash na nasa tabi nya lang.
“Date her.” Bulong ni Dillon nang lumapit sya sa akin. Nainis ako kaya bahagya ko syang tinulak. Tss. Mabuti nalang at tulog ang iba sa likuran, kung hindi ay baka mapuno din ako nang asar galing sa mga ito.
Sinandal ko ang sarili ko sa upuan nang sasakyan at nilabas ang aking cellphone. Hindi ko makausap si Faith dahil kay Dillon, shaka pakiramdam ko umiiwas sya sa akin. Tss. I’m dying to know kung anu ang iniisip nya ngayon. Shit!
Ako:
Faith. Are you mad?
Faith:
Bakit ako magagalit?
Nagulat ako sa mabilis nyang reply. Umayos ako nang pagkakaupo at maingat na nagtype para hindi mabasa ni Dillon.
Ako:
Don’t know. But, you look bothered.
Faith:
Ayos lang ako. Pagod lang.
Ngumuso ako. She’s cold. I hate it. Sana, malaman ko kung anu ang iniisip nya. Fuck, Faith. I care. I really do care.
BINABASA MO ANG
One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)
No FicciónGrant Elliot Hernandez still remembers everything. Mula noong unang beses na tumibok ang kanyang puso, Kung paanu sya lumaban nang dahil sa pagibig, Kung paanu sya nabigo at kung paanu sya nagwagi. Lumaki syang walang pinaniniwalaan maliban sa tatlo...
