Chapter 36

2.1K 81 21
                                    

Chapter 36

“Bakit? What’s happening?” nalilitong tanung ko dahil panay ang kaladkad nila sa akin. Hindi sila sumagot. Maputla ang itsura ni Prom at nakita ko kung paanu nya sundan nang tingin ang naglalakad na si Faith. Nairita ako kaya tinapik ko ang kamay ni Thunder na nasa braso ko.

“Fuck! Let go of me, anu ba!” singhal ko sa kanya.

“Grant! Sumama ka nalang muna, para maaga ‘tong matapos okay? I still want to enjoy!” bulalas ni Fifth sa akin. Sumimangot ako.

“If you want to enjoy, then, go. Let go of me! Kaya kong maglakad! You don’t have to drag me.” matigas na sabi ko.

Napukaw ko ang  attensyon nang ibang tao sa party nang dahil doon. Nagkamot nang ulo ko si Williard na tila badtrip na badtrip na naman, dinuko nya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at winagayway ito saking harapan.

“Your Dad called. Is your cell off?” tanung nya.

Umiling-iling ako at nilabas ang cellphone ko, tsaka ko lang nakitang may ilang missed calls nga si Dad doon. Hindi ko napansin.

“Pinapauwi na tayo, Grant. May importante syang sasabihin.”

“Anu?” Nakakunot na noong tanung ko.

Humarap si Prom sa akin.

“Come on. Nauna na si Kate sa kotse. Umuwi nalang tayo, Kuya!”

“Damn! Bakit nga?”

“Can you wait? Si Daddy ang  magsasabi, si Dillon at Juan Paolo ay nasa bahay na! Let’s ned this, nakakainis na, I want to enjoy the party too, pero kaylangan natin umuwi!” Iritado si Prom at panay ang gulo sa kanyang kinulot na buhok.

Tumikhim ako at muling nilingon si Faith pero hindi ko na sya nakita.

“Hindi na natin kaylangang hintayin pa si Mom and Dad. Alam na nila..” Ani ni Williard habang papasok sa Driver’s seat.

“Alam ang anu?” tanung ko.

“Bakit ang tanga mo?” Nagkamot si Will sa harapan ko. “You’re long lost sister. Malamang!” Ani Thunder.

Nalaglag ang panga ko. Sister?

Pinaharurot ni Williard ang sasakyan at halos masuka na ako. Pinaulanan sya nang mura at batok ni Prom nang dahil doon. He’s in a hurry. Malamang ay pupunta din ito sa babae nya. Halos murahin ko na si Thunder at Fifth dahil pinagtutulungan pa nila akong hilain papasok nang sasakyan kanina. Hindi ko na din nasundan nang tingin si Faith. Hindi ko na alam kung saan sya nagpunta. Basta, bigla nalang syang nawala at kahit na gusto ko syang itext o tawagan ay panay ang suway sa akin ni Prom.

“Kuya, Pwede ba! Mamaya na yan! Sinong babae ba kasi yang kinababaliwan mo?” bulalas nya sa akin.

“Mind your own business, Prom!” suway ko sa kanya

“Whatever! Sinasabihan lang kita! Pwede naman hindi ba? Kahit na sandali lang? Bitawan mo muna yang cellphone mo!” Iritadong sabi nya.

Nairita din ako. Kaya tinigilan ko na pagsasalita dahil palagi syang may sagot sa akin. Nilingon kami ni Thunder na nakakunot ang noo. Wala na akong nagawa kundi ang itago ang cellphone ko sa bulsa. Bullshit.

One more summer (Summer Series #1) (Hernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon