Chapter-42 Birthday

176K 2.5K 90
                                    

Third Person's POV

Maraming bisita, halos lahat ng mga kilalang tao ay imbitado sa loob ng bulwagan.

"Happy birthday Reid." bati ng isang batang babae na may mahabang buhok, natural na tuwid ngunit may kulot sa bandang dulo, may maninipis at mapupulang labi, matangos na ilong at singkit na mga mata.

Iniaabot nito ang isang kahon na may nakataling puting laso, napataas ng kilay si Reid, "what's that?" cold na tanong nito.

Namula naman ang pisngi ng batang babae, "gift ko sayo." bahagya pa tong napakagat sa labi.

Napangiti ang batang babae nang tanggapin ni Reid ang regalo niya, "Thank you." malamig na sabi ni Reid.

"Welc..." hindi natapos ng batang babae ang sasabihin dahil sa isang sigaw.

"Reid... Reid..." napalingon si Reid sa tumatawag sa kanya, nakita niyang humahangos ang kapatid niya papalapit sa kanya.

"Hide!" sigaw ni Blaze, napakunot ang noo ni Reid sa sinabi ni Blaze. Wala na siyang nagawa nang hilain siya nito para magtago sa ilalim ng mesa, "tsk! Your hiding away from her again?" sabi ni Reid sa kapatid na ngayo'y bahagyang iniiaangat ang table cloth para masilip ang batang pinagtataguan.

"Tss, I don't like her." sabi ni Blaze habang nakanguso, nakisilip na rin si Reid, nakita niya ang isang batang babae na halatang may hinahanap habang dala-dala ang isang malaking paper bag.

Ibinaba ni Reid ang table cloth ngunit nabigla siya nang may sumilip rin dito, "Hi Reid... Blaze." nakangiting bati ng batang babae na nagbigay sa kanya kanina ng kahon na may puting laso.

Agad namang tinakpan ni Reid ang bibig ng batang babae saka hinila papasok sa pinagtataguan nila, "shhh!" sabi ni Reid dito, nanlalaki naman ang mga mata ng batang babae saka tinanggal ang mga kamay ni Reid na nakatakip sa bibig niya.

"Ba't kayo nagtatago?" wala sa isip na tanong nito.

"Wag kang maingay!" sabi ni Blaze saka sumilip ulit. Aksidenteng na bitawan niya ang hawak-hawak na bola at nagpagulong-gulong palayo sa kanya, nanlalaki ang mga matang tinitigan niya si Reid na para bang humihingi ng tulong, wala siyang sagot na nakuha mula dito sa halip ay nagpalingo-lingo ito.

Napabuntong hininga siya saka nagsimulang dumapa, sinilip niya kung nasa paligid ba ang pinagtataguan niya, laking pasasalamat niya nang makitang wala.

Pilit niyang kinakapa ang bola nang biglang...

"Ahhhhh... Reidddd..." sigaw niya nang may humila sa paa niya papalabas sa pinagtataguan niya.

Tumayo siya at matamang tinitigan ang humila sa kanya, "hi Blaze, kanina pa kita hinahanap, hehe andito ka lang pala." sabi ng batang babae na naka puting dress at naka boots, bumagay sa kanya ang suot niya kaya ang cute-cute niyang tingnan, dala na rin siguro sa mahaba at tuwid nitong buhok.

"What do you want from me?" masungit na tanong ni Blaze, agad namang ngumiti ang batang babae saka ibinigay sa kanya ang malaking paper bag na dala-dala nito.

"Tsk! Thank you." pabagsak na sabi ni Blaze saka hinablot ang regalo, nabigla siya nang yakapin siya nito at halikan sa pisngi, "happy birthday Blaze." sabi nito saka umalis na.

Magara ang handaan, iniba ang para sa mga matatanda at iniba ang sa mga bata, 'Marshmallow Party' yon ang tawag ng kambal sa birthday party na inihanda sa kanila, syempre hindi nawawala ang paboritong pagkain nila, may inilaang lugar para sa mga marshmallow kung saan ang lahat ay pwedeng lumapit at kumuha lang dun, 'maganda at mamahalin' yon ang tamang dipenasyon sa okasyon na yon.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon