Chapter-20 Illusion

209K 3K 207
                                    

Aliya's Point of View

Nagising akong wala si Cadden sa tabi ko o baka nga'y di naman talaga siya tumabi sakin, nakita ko 'tong mahimbing na natutulog sa ibaba, napakaamo nitong tingnan, malayo sa ugaling inaasal nito sakin, ito rin ang unang pagkakataong mapagmamasdan ko siyang matulog, dahil ito rin ang unang pagkakataon na natulog ako sa kwarto niya.

This sudden change of attitude that his acting really makes me wonder whats the reason beyond. Kung sakali mang nagbago na siya, sana ito na 'yong pinapangarap ko, sana talaga.

"Ahh!" napaigtad ako nang biglang kumirot ang braso kong may sugat, nagising si Cadden.

"Are you okay?" tarantang tanong nito. Bakas ang matinding pag-aalala sa mga mata nito. Dahilan upang maging blanko ang pag-iisip ko, di ako nakapagsalita.

Lalo pa nang makita kong wala itong suot na pang-itaas, napaka-hot niyang tingnan. With those sleepy eyes, his messy hair and his husky voice, sapat na ang mga 'yon upang matigilan at uminit ang mukha ko.

"Stop staring!" sita nito saka dali-daling isinuot ang white t-shirt niyang nasa gilid lang ng hinihigaan nito. Para naman akong napahiya sa sinabi niya kaya napayuko na lamang ako.

"Did it hurt?" biglang tanong nito sa mababang tono.

"N-no...y-yes, I mean kanina o-oo, pero nawala naman." Di magkamayaw kong sagot.

"Silly!" untag nito saka tumayo.

"I'll go cook some food, just stay there and take a rest." Di ako makapaniwala sa mga narinig ko. Seriously,si Cadden ipagluluto ako?

"Ako na lang Cade, kaya ko naman, may pasok ka pa diba." Pag-aalok ko. Pakiramdam ko tuloy para kamig mag-asawa na mahal na mahal ang isat-isa.

"Di ako papasok, babantayan kita buong magdamag." sabi nito na lumabas na at isinara ang pinto. Naiwan akong tulala at di makapaniwala.

Humiga ako ulit saka tumayo ulit. Nasampal ko pa ang sarili ko, baka kasi'y nananaginip lang ako, pero totoo ang lahat at gising na gising ako.

Babantayan kita...

Paulit-ulit ang mga katagang 'yon sa utak ko.

Haze Cadden's Point of View

Paglabas ko'y napasandal ako sa pinto, heto nanaman ako sa wirdong nararamdaman ko. I shake the idea off my head, I know I'm just being guilty because I'm the one to blame.

Tama, nagkakaganito ako kasi kasalanan ko ang nangyari kagabi, which is kung tutuusin ay di ko naman sinasadya.

Bumaba na ako at nagsimulang maghanda ng mga sangkap, di ko alam kung ano ba talaga ang lulutuin dahil, wala naman talaga akong alam. Gusto ko lang talagang umiwas sa kanya, binuksan ko ang ref at lumantad sa harap ko ang sari-saring mga damo.

"Seriously? This is fuckin' insane!" nasabi ko na lang nang makita kong punong-puno ang ref., pano ako makakaluto ng pagkain out of these leaves?

Naghanap ako ng pwedeng lutuin or kahit na anong instant. Wala namang in cans, sana man lang bumili siya ng itlog...

(Halungkat ng ref...)

Eggs... Eggs... Eggs...

"Bacon!" parang player ng soft ball na itinaas ko ang bacon sa sobrang tuwa, pag sineswerte nga naman at may itlog pang kasama.

"Ah shit!" ang sakit lang ng mantika, pinatay ko ang stove, tumakbo ako paakyat at kumuha ng jacket, tinakpan ko rin ang mukha ko. Nang masigurong balot na balot na ako at di na ako matatalsikan ng mantika ay nakangiti akong bumalik ng kusina at nagluto.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon