Aliya's POV
May isang bata na medyo kulot ang dulo ng buhok. Parang napakapamilyar nito...
"Ate?" tawag nito.
Lumingon din yong batang tinatawag niya, napakapamilyar din nito.
"Ate, asan sila mom at dad? Anong ginagawa mo dyan?" tanong nung batang kulot ang buhok sa ate niya, nang makitang sumisilip ito sa pinto.
"Shhh..." senyas nang ate niya.
Maya-maya lang may lumabas na mag-asawa mula sa kwartong yon. Sa tingin niya ay magulang nung mga bata, agad namang hinila nung ate yong batang kulot ang buhok. Nagkunwari silang naglalaro, nakita nilang parang problemado ang asawang babae habang pilit naman itong pinapakalma nung lalaki. Nakita nila Itong lumabas.
Agad namang hinila nang ate ang kapatid niya papasok sa kwartong pinaglabasan ng mag-asawa.
"Ate, ano ba kasing ginagawa mo diyan?" reklamo nung batang kulot ang buhok sa ate niya.
"Hindi ito yon eh!" narinig niya ang sinabi ng ate niya habang nagpapatuloy parin sa paghahalungkat ng mga CD's sa devider. Halatang bugnutin yong ate pero nagtityaga lang para mahanap yong bagay, kung ano man yon ay di niya alam.
"Ano ba kasing hinahanap mo ate?" tanong nito ulit.
"Eto... Eto yon!" bulalas nung ate, habang iwinawagayway ang isang CD. Nakita niyang isinaksak eto ng ate niya sa dvd player.
"Ate, anong movie yan? Cartoons ba?" Tanong ulit nito.
"Hindi, pakiramdam ko kasi may problema ang mom at dad." Sabi nung ate dahilan para kumunot ang noo nung nauna.
Pawang nagulat ang dalawa nang makita ang nilalaman ng CD... Sa pakiramdam nila ay isang malaking problema ang hinaharap ng kanilang pamilya ngayon, pero alam nilang wala silang maitutulong dahil mga bata pa lamang sila.
"Alonso... Alonso... Alonso." sabi ng taong nasa CD, di gaanong kita ang mukha nito dahil bahagya itong natatakpan ng suot-suot na sombrero. Ang tanging makikita lang ay ang pilat nito sa mukha.
"Kung gaano ka taas ang lipad niyo ganon rin kasaklap ang magiging bagsak niyo. At yang mga anak mo, bago pa sila mawalan ng buhay, ang mabaho kong hininga ang huling maaamoy nila" patuloy nung lalaking nasa TV habang tumatawa.
Abot-abot ang takot na naramdaman ng magkapatid do dahil sa napanood nila, kundi dahil nahuli sila ng magulang nila.
"Anong ginagawa niyo dito?!" tanong ng daddy nila.
Parang isang palabas ang lahat na nag-iiba ng scenario ang mga kwento.
Napunta sila sa isang yate, masaya naman sila, nakita ng isang bata na binigyan ang ate niya ng kwentas, maganda yon na kapag binuksan ay may litrato ng mga magulang nila.
Nang biglang umusok ang yate, nagkagulo ang lahat nawala ang ate niya sa kinauupoan nito, dali-dali siyang binigyan ng kwentas ng mommy niya katulad nung sa ate niya ang pinagkaiba lang ay ang nakaukit na pangalan.
Napalingon soya nang may narinig siyang sumigaw, pilit niya iniaabot ang kamay para masaklolohan ang ate niya na nahulog sa tubig...
Pero hindi niya nagawa, tuluyan na itong nilamon ng karagatan. Saka lang dumating ang kanyang daddy.
"Aliya bilis!" tawag ng kanyang daddy.
"Si ate po dad.. Huhuhu." sabi nito habang umiiyak.
"Babalikan ko siya don't worry." pangako ng dad niya.
Nilangoy nila ang baybayin, iniwan siya nito sa isang malaking bato. Tinatanaw niya lang to habang lumalangoy pabalik sa mommy niya, sa di kalayoan rin ay nakita niyang lumulutang ang ate niya, nang biglang sumabog ang yate, at ang mga sumunod ay naging malabo na.
![](https://img.wattpad.com/cover/20918169-288-k474278.jpg)
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...