Chapter-11They met again

188K 2.6K 23
                                    

Aliya's Point of View

Tumayo na siya at inayos ang nagusot niyang damit. Pinulot ko ang suot kong damit kanina na pinunit niya.

"Damn it!" pagmumura nito saka tila yamot na napasuklay sa sariling buhok gamit ang kamay, lumabas siya ng kwarto para siguro i-check kung sino ang tao sa labas, kaya dali-dali akong tumayo at tinungo ang sariling kwarto.

Naghilamos na ako at nag bihis. Tinitingnan ko ang sarili sa salamin, napansin kong malaki ang pinagbago ko.

Natigil lamang ako sa pagpupuna sa sarili nang may marinig akong nabasag sa ibaba, agad naman akong bumaba only to find out Lance lying on the floor.

"Lance!" nilapitan ko si Lance at tinulongang makatayo. "May...may sugat ka!" nakita kong may dugo ang gilid ng labi nito.

"I'm fine sweetie, don't worry." alam kong nasaktan siya, pero nakukuha niya paring ngumiti.

"Pero.." magsasalita pa sana ako nang hilain ako ni Cadden patayo.

"Enough, lovebirds!" sarkastikong turan ni Cade. Kinuha ni Cade sa kamay ko ang damit ni Lance na pinunit niya kanina at ibinato ito kay Lance.

"Take your trash." Malamig nitong turan matapos niyang ibato kay Lance ang punit nang damit, saka ako kinabig palapit pa sa kanya.

Nakita ko kung papano nanlaki ang mga mata ni Lance nang makitang punit ito, agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"What did you do to her?" bulyaw ni Lance saka sinunggaban si Cade at kinwelyohan.

"If ever, I see her wearing your shirt again, you're the one I am going to tear apart." Malamig na turan ni Cade sa nagbabantang tono.

Magkasingtangkad sila kaya nagpang-abot talaga ang mga mata nila, pawang nagtatagis ang mga bagang at namumula sa galit ang mga mata nito, para silang salamin sa isa't-isa.

"Ae, come with me" lumapit si Lance sa akin at hinila ako sa kamay. Tiningnan ko si Cade pero mukhang balewala lang sa kanya.

"I can't..." sagot ko kay Lance, nakita ko namang ngumisi si Cade nang sabihin ko 'yon. Magsasalita pa sana 'to pero inunahan ko na.

"Just... Just go home Lance." malungkot kong sabi, saka ko siya niyakap, wala na akong paki kahit nakatingin pa si Cade, niyakap niya rin ako saka bumulong.

"We'll talk about this Ae." saka bumitiw sa pagkakayakap sakin at umalis na.

"So, he's the man you've been enjoying with last night?" nilingon ko siya, saka niya ibinato sakin ang mga damit ko na naiwan sa bahay ni Lance, nakalimutan ko pala 'tong dalhin, marahil ay ito ang inihatid ni Lance sa bahay.

"Mali ang iniisip mo Cade." Ewan ko kung narinig niya pa ang sinabi ko,bigla na lang kasi siyang umalis, ang alam ko na lang umiiyak na naman ako.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon