Aliya's Point of View
Pagbaba ko, nakita kong nag-uusap sila Cade at lolo. Bigla namang nang-anyaya ng agahan si Cade ng makita niya akong pababa.
"Ba't po pala kayo naparito lo?" pagbasag ko sa katahimikan.
"I need to discuss some important matter to Cadden yha.." sabi nito habang patuloy parin sa pagkain.
"Pwede ko po bang malaman kung ano yon, lo?" tanong ko ulit habang nginingitian siya.
"About the Alzalde yha.." sabi nito habang bumuntoghininga.
"Ayoko sanang sabihin sayo apo, but I can't defy those smiles." sabi nito habang tumatawa.
"Bakit naman po?" pangungulit ko ulit.
Uminom muna to ng tubig bago nagsalita. "di lahat masasagot ko apo, di pa sapat ang lahat... Wala pa sa tamang panahon... Alam kong magtatanong ka nanaman kung 'bakit'... sasabihin ko, masyado pang maaga, kaya wag mo na akong kukulitin." parang may laman ang mga sinasabi nito, pero mas pinili kong tumahimik na lang... Wala naman sigurong mawawala...
"Ano cade, magkakaapo na ba ulit ako." baling ng lolo kay Cadden.
Dahil sa tanong na yon nabilaukan ako, di ko alam pero parang nawala ang gana ko, parang may problema ata ang tiyan ko.
Nakita ko ang isang pilyong ngiti sa mga labi ni Cadden bago to sumagot...
"We're on the process, lo." sabi nito habang nakatingin sakin.
"Excuse me." Di ko na kinaya, tumayo na ako at dinala ang sariling pinagkainan. Bakit parang may parte ng utak ko na gustong maging masaya pero may parte namang di na gugustuhin pang makadama.
"Are you okay?" rinig kong tanong ni Cadden, tumango lang ako, saka uminom ng tubig.
"Magbihis ka may pupuntahan tayo, after naming mag-usap ni lolo." utos ni Cade. Di na ako sumagot, umalis na lang ako kaagad mas mabuti na rin ang ganito.
Cadden's Point of View
Nakita kong pumasok na si Aliya sa kwarto.
"Ano po palang tungkol sa mga Alzalde lo?" tanong ko nang kami na lang ang naiwan sa hapag.
"I just want to remind you Cadden, Ella was not a real Alzalde... She doesn't even have a one percent share of those properties Cadden, she doesn't even carry the name of an Alzalde... Baka inaakala mong wala akong alam sa mga kabaliwan mo sa kanya?!. I have my ways Cadden, alam mo yan." sabi nito.
"What's your point, lo?" tanong ko.
"Stay away from her, stay away from that girl." sabi ni lolo.
"Ba't parang andami mo atang alam.." ako na may himig ng pagdududa.
"Sabihin na lang natin Haze (alam ko kapag tinatawag niya na ako sa ganong pangalan ay dapat seryosohin ko na ang usapan.) Kakarampot lang ang nalalaman mo kung ikukumpara sa mga nalalaman ko." makabuluhan ang mga sinasabi nito habang nagsisindi ng sigarilyo.
"Hidi ko parin makuha ang punto mo lo.." napabuntonghininga na lang ako.
"Humihina na ata yang utak mo Haze..." nakangising sabi nito na di ko na lang tinugon.
"Parang kapatid ko na rin si Alonso at Liyana... Alam mo naman siguro kung gaano kakilala rin sa buong mundo ang mga Alzalde?" patuloy nito, kaya tumango na lang ako. Tama nga naman, maihahalintulad ang mga Alzalde sa pamilya namin. Pero wala ng balita tungkol sa kanila magmula nang mamatay ang mag-asawa... para ring bulang naglaho ang pangalan nito ng mga panahong yon.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...