Aliya's Point of View
Sinabi ko kay Cadden na magsi-CR lang ako pero ang totoo tatakas ako, di naman sa malayo, uuwi lang ako ng condo.
Para kasing nahihirapan akong huminga kapag kasama ko siya, nahihirapan ako na hindi naman talaga dapat na maramdaman ko pa.
Calling Lance...
"Ae?" sagot nito mula sa kabilang linya. Mga ilang araw na ba mula ng huli kong marinig ang boses nito, bakit nakakagaan ng damdamin na marinig siyang tinatawag ako.
"Lance, can I ask a favor... again?" sabi ko, nakakahiya naman, lagi ko na lang tong dinidisturbo.
"Ask anything Sweetie.." I heard him chuckle. Eto nanaman siya sa endearment niya.
"Ahm, ano kasi.." nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba.
"Magpapasundo ka?" sabi nito, waring nahuhulaan ang gusto kong sabihin.
"Y-yes... sana, kung okay lang sayo?" sagot ko.
"San ka ba?" deretsahang tanong nito.
"N-nasa kompanya niyo." ako.
"What?, in our company? What are you doing there?" halatang nagulat to.
"Pwede bang mamaya na lang.." sagot ko, nakarinig ako ng tunog ng sasakyan.
"Okay, I'm on my way sweetie, sang banda ba kita makikita?" tanong nito.
"Sa may parking lot na lang Lance." ako.
"I'm coming sweetie." sagot nito. Saka ko pinutol ang tawag, alam kong nagnamaneho siya ngayon.
Baka hinahanap na ako ni Cadden ngayon. Sobrang nalilito na talaga ako sa mga ikinikilos niya, kung talagang nagbabago na siya, dapat ko na ba siyang patawarin?
Paano kung saktan niya ako ulit, hindi naman ako sakim para hindi maibigay ang pagpapatawad pero sadyang natatakot lang talaga ako.
Ayoko nang maramdaman pa ulit ang lahat ng yon, ang lahat ng pasakit, ang lahat ng pagtatakwil, ang panlilimos ng pagmamahal sa taong malabong matututunan akong mahalin, bakit kung kelan ako handang bumitiw, ngayon pa siya babalik, bakit niya ako nililito ng ganito, bakit napakasakim mo Cadden? Diyos ko anong dapat kong gawin. Ang hirap na atang maniwala at magtiwala.
Natigil lamang ako sa pag-iisip nang may nagsalita.
"Aliya?" si Smith pala, nakatigil na ang sasakyan nito sa harapan ko.
"Saan punta mo?" tanong nito.
"Ano uuwi na ako." sagot ko.
"Where's your car?" tanong nito.
"Wala akong dalang sasakyan" sagot ko.
"So sabay kayo ni Cadden?" tanong nito ulit, nakakabagot ang daming tanong.
"Hindi pa siya uuwi, may tatapusin pa siya." sagot ko na lang.
"Oh I see. Want some ride, pwede naman kitang ihatid, san ba?" tanong ulit nito.
"Wag na Smith." napatigil ako nang magsalita to.
"Oh drop that. Just call me James." pagputol nito sa sinabi ko.
"Ah, may sundo kasi ako, James." ako.
"Baka matagalan 'yon, don't worry safe ka naman sakin." sabi nito saka bumaba ng sasakyan. Alam kong nagbibiro ito pero di ako natatawa, may problema na nga ako may nangungulit pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/20918169-288-k474278.jpg)
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...