Chapter-22 Love, Hate and Lust

219K 3K 124
                                    

Aliya's Point of View

Nagsasayaw lang kami ni Lance nang biglang may pumalit sa kanya, nung una'y di ko 'to nakilala, kinailangan ko pang titigan siya ng maigi. Masyadong pamilyar ang mga singkit na mata nito, until this stranger smiles on me, matagal pa bago narehistro ng utak ko na si Cade pala ang kasayaw ko.

"Cade..."ako.

"Stop talking and just keep on dancing." sabi nito, saka niya ako niyakap, naninibago ako sa mga ikinikilos niya, ang sarap maniwala pero alam kong nagpapanggap lang siya.

Alam kong tinitiis niya lang naman lahat 'to, at alam ko sukang-suka na siya sa mga pinaggagagawa niya. Siguro kung wala ang lolo ay di niya 'to gagawin.

Masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya, mas lalo pang humigpit nung malapit nang matapos ang kanta, sa puntong halos di na ako makahinga.

Alam kong kami lang ang pinagtitinginan ngayon, nagpalakpakan ang lahat. Di parin ako maka get over sa mga actions niya, pero ang mas nagpagulat sakin ay nang hinalikan niya ako, parang masisiraan ako ng bait sa sobrang hiya, matagal pa bago niya pinutol ang halik na 'yon at aaminin ko may kakaiba sa mga halik na 'yon, dahilan para mas lalo pa akong mahirapang iwanan siya.

Nang matapos ang kanta ay iginiya niya ako sa isang table at pinaupo dun, ang sabi niya aalis muna siya pero babalik naman daw agad. Ilang minuto na, pero wala parin siya, wala rin si Lance di ko siya makita.

Hinahanap ko ang isa sa kanila pero ang hirap nilang hagilapin, lahat kasi nakamaskara. Pero sa di kalayoua'y may nahagip ang mga mata ko; I saw Cade and Ella, nakilala ko agad sila dahil pareho na silang walang suot na maskara. Kaya pala...Kelan kaya magiging ako, Cade? Paghihimutok ko.

"Hi..." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Do I know you?" nasabi ko na lang, syempre di ko kita ang mukha niya, dahil natatakpan ito ng maskara.

"Oh, I'm sorry, I forgot." sabi nito habang tinatanggal ang maskara.

"I'm James Smith. Aliya Rodrigo right?" sabi nito.

"How did you know?" nagtaka ako kung pano niya nalaman ang pangalan ko.

"A woman like you, will make every man do everything just to know your name." sabi nito, masyado namang mabulaklak ang bibig nito, masyadong mapang-akit ang mga ngiti nito, kahit sinong babae, bibigay talaga sa kanya.

May magagandang mga mata na para bang nakikita niya ang buong pagkatao mo, aaminin kong ma appeal talaga ang kausap ko ngayon. Pero wala akong panahon sa kanya, kaya tumayo na ako para hanapin si Lance, nagulat ako nang maramdaman ko ang pagtangal ng tali ng maskara saka nalaglag.

"Ano bang problema mo?" ako na nilingon na siya.

"So totoo ngang sinasabi nila, napakaganda mo nga." sabi nito habang pinupulot ang nalaglag kong maskara, agad ko naman 'tong hinablot mula sa kamay niya, bago siya tinalikuran.

"Wait, I'm sorry" alam kong hinahabol ako nito. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko, pero naabutan parin ako nito, hinawakan niya ako sa magkabilaang braso habang inihaharap sa kanya. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa akin.

"Look, I'm sorry, sorry kung naging bastos ako." sabi nito, para naman akong nahihipnotismo sa mga mata nito at gusto ko na 'tong patawarin, but the last thing I saw, was him, lying on the ground with blood on his lips.

"Don't mess with me Smith..." malamig na turan ni Cade, halatang galit na galit.

"F**k! Ano bang problema mo?!" halatang galit din 'yong Smith.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon