Aliya's POV
"Will you marry me again?" nagulat ako nang sabihin niya yon, napatitig ako sa hawak niyang maliit na box na may lamang sing-sing, maganda ang sing-sing.
Napanganga ako sa tanong niyang yon, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano ang irereact ko kaya inulit niya ang tanong
"Wife? will you marry me again?" he asked, bakas sa mga mata nito ang pangamba.
"P-pero..." agad akong napatigil nang patahimikin niya ako.
"Just answer YES or OF COURSE." seryosong sabi nito. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya, this man never fails to make me tremble.
"Of course." sagot ko, agad nitong isinuot ang sing-sing sa daliri ko saka mahigpit akong niyakap.
"Thank you." he whispered.
**
Aliya's POV
Ngayon na ang araw ng kasal namin, hanggang ngayo'y di parin ako makapaniwalang magiging ganito ako kasaya. Parang kailan lang nang halos limusin ko na ang pagmamahal niya ngunit ngayon sobra-sobra pa.
Cadden's POV
Bakit wala pa? Hindi na ako mapakali, wag naman sanang may masama pang mangyari.
"Pare, relax lang." pagpapakalma sakin ni Greg.
Di ko na to sinagot sa halip ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nakatayo na ako dito at hinihintay siya, nakatingin lang ako sa pinto ng simbahan hinihintay ang pagdating niya.
Napatingin ako sa relo, sampong minuto na, wala parin ba? Gusto kong isantabi ang mga masasamang bagay pero di ko kaya. Abot-abot na ang kaba ko nang biglang may sumigaw...
"Here comes the bride..." napangiti ako nang marinig yon.
It seems that I am dreaming... Then the music started to play, I saw here wearing her elegant wedding gown, as she walk down the isle...
[Perhaps love is like a resting place
A shelter from the storm
It exists to give you comfort
It is there to keep you warm]
Aliya's POV
Parang isang lumang palabas na nagbalik lahat sa aking alaala kung papano kami umabot sa ganito...
Cadden's POV
Marami akong nagawang pagkakamali, mga kasalanang di na dapat pang patawarin pero eto siya patuloy na nagmamahal sakin.
[And in those times of trouble
When you are most alone
The memory of love will bring you home]
Aliya's POV
Naulila man ako at halos kunin na sakin ang lahat, pero may isang siya na dumating at binago ang lahat.
Cadden's POV
Nakatingin lang ako habang naglalakad siya papunta sakin nasa likuran niya si Ashley, ang pangarap ko, nakikita ko na, ang bumuo sa pagkatao ko.
"A-alona?" nauutal na sabi ni Greg napansin kong tila nanigas si Greg nang makita si Ashley, parang nililinaw pa nito kung tama ba ang nakikita, hindi ko kasi sinabi sa kanya ang tungkol kay Ashley at ang pagiging Alona nito.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...