Chapter-45 Epilogue: The beginning

214K 2.2K 145
                                    


Aliya's POV

"Are you ready?" tanong ni Cadden habang pinapaandar ang makina, dalawa kaming nasa harapan, sa likuran naman ang mga bata at si yaya Marta kasama si yaya Rema, nasa pinaka likuran naman ang mga body guards.

Ngayon ang araw ng alis namin, kailangan naming pumunta sa Europe at dun mamalagi dahil sa idinagdag niyang negosyo.

Pinatay ulit ni Cadden ang makina, nilingon niya ang mga to "what's with that faces? Kiddos?" nakangiting tanong ni Cadden sa mga bata nang makitang nakasimangot ang mga to.

"Do we really need to go to Europe?" nakasimangot na tanong ni Brook.

"For now princess..." ang tanging sagot ni Cade.

"Hey, young men.." pagtawag ni Cade sa kambal na ngayo'y nakatingin sa magkabilaan.

"Tsk!" rinig kong sabi ni Reid.

"I will miss tito Lance and tita Ashley for sure." rinig kong bulong ni Blaze.

"Babalik parin naman tayo dito." pagpapaliwanag ni Cade.

**

Europe

Agad na nakatulog ang mga bata pagdating namin sa bahay.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ay nagliwaliw muna ako sa paligid, binusog ko ang paningin sa kabuoan ng bahay, halos walang pinagkaiba ang bahay namin sa Pilipinas at dito maliban sa mga iilang disenyo na may bahid na ng kulturang Europeo.

Napaigtad ako nang may humapit ng bewang ko, "wife..." malambing na tawag nito.

Iginiya niya ako patungong balkonahe, at mula dun ay kitang kita-kita ko ang malawak na tanawin ng lugar.

Humawak ako sa kamay niya na ngayo'y nakapulupot sa bewang ko, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Naramdaman ko ang pagdampi ng maiinit nitong labi sa bandang kilay ko, "you didn't rest." bakas ang pag-aalala sa boses nito.

"Hindi naman kasi ako inaantok." sagot ko.

Matagal pa bago to nakapagsalita, "are you happy with me?" tanong nito sa mababang tono.

Bahagya kong pinalo ang kamay niya bago nagsalita, "anong klaseng tanong ba yan Cadden, may mga anak na tayo?!" tumatawang sabi ko dito.

"Oo nga naman, may mga anak tayo... Kaya andito ka kasama ako." malungkot na sabi nito.

Napakunot-noo ako sa narinig ko, ano bang nangyayari sa taong to, para bang pinapahiwatig na mga anak lang namin ang dahilan kung bakit nananatili ako sa kanya.

"I've been so stupid to hurt you Aly and now I'm such a one lucky bastard to have you." lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito.

"Nandito ako hindi lang dahil may mga anak na tayo... Nandito ako kasi mahal kita." sabi ko dito.

Narinig ko ang bahagya nitong pagtawa, "anong nakakatawa?" nagsisimula na akong mainis kaya humiwalay ako sa kanya.

"Don't be mad... Alam ko na lahat ng sinasabi mo." tumatawang sabi nito.

"Alam mo na pala, ba't ka nagtatanong?!" gusto niya lang ba akong gawing katatawanan?

Hinila niya ang kamay ko pero tinabig ko, tumawa siya na ikinainis ko, "now you're pissed off, why so cute my wife." malambing na sabi nito habang nakangiti.

Tinalikuran ko to at akmang aalis na pero hinapit niya ulit ang bewang ko, "let me explain..." bulong nito sa tenga ko habang nakayakap sakin mula sa likuran.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon