Aliya's Point of View
7:30 ng gabi nang umuwi si Cadden, handa na ang hapunan ngunit nang alukin ko 'tong kumain ay di ako pinansin sa halip ay nilagpasan lamang ako nito.
"Kain ka muna Cade." Nagpatuloy pa rin 'to sa pag-akyat.
"Lalamig na kasi 'yong pagkain." Napakagat labi ako sa nerbyos kung ano ang maaaring isagot niya.
"I'm fine Aliya, kumain ka na lang kung gusto mo." napasinghap ako nang marinig ang malamig nitong boses, di ko mawari kung ano ang ibig sabihin ng tono nito.
Tulala lang akong nakatitig sa nakatalikod na si Cadden nang biglang pumasok si Ella at tuloy-tuloy na pumasok sa kusina, napakuyom ako ng kamao saka siya sinundan.
"Cadden knows how to choose his maid very well." Nakangising turan nito saka ako mapang-insultong tiningnan. Kumuha 'to nang kutsara saka walang pasabing tinikman ang niluto ko.
"Ang sama naman ng lasa!" kunwari'y nandidiring turan nito.
"Kasing sama ba ng ugali mo?" din na ako basta-basta mananahimik na lang. Binalewala nito ang sinabi ko, sa halip ay kinuha nito ang isang bandihadong ulam at itinapon sa basurahan.
"Ano bang problema mo Ella?!" hinila ko na siya paharap sa akin.
"Chill, ano ka ba? Di naman yan kakainin ni Cadden eh." maarteng turan nito.
"Sa totoo lang, ang lasa niyang niluto ko, mas makakain pa ng aso kung ikukumpara sa ugali mo." dapat na malaman ng babaeng 'to, na di ko na talaga kayang sikmurain pa ang ugali niya.
"Napaka trying hard mo naman Ella, may asawa na nga ang tao pinapatulan mo pa! Ano pa kaya ang kaya mong gawin makuha lang ang pera ng pamilya ni Cadden?!" lahat na ata ng galit ko ibinuhos ko na ata lahat-lahat dun...
"Wow! Sino kaya sa atin ngayon ang trying harda; ko na kinahuhumalingan niya o ikaw na hanggang ngayo'y namamalimos parin ng pagmamahal niya? At Aliya, hindi lang pera ang habol ko, ba't pera lang kung pwede namang pati asawa mo." Aniya habang nakangisi, hinila niya ang buhok ko, nagpumiglas ako at nasampal ko siya.
"Ouch! You bitch!" bulyaw nito habang hawak-hawak ang pisngi, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko at hinila ako paputang mesa.
"Watch and learn from this! " Sa tono ng pagkakasabi niya ay alam kung may gagawin siya, nakita kong kinuha niya ang isang basong may lamang tubig saka ibinuhos sa sarili niya. saka sumigaw bago niya sinadyang ihulog ang babasaging baso sa likuran ko, rinig na rinig ko ang pagkabasag nun at sigurado akong di 'yon nakaligtas sa pandinig ni Cade, maya-maya lang ay narinig ko na ang pagbukas ng kwarto ni Cade at ang mga nagmamadali nitong yabag. Nagulat ako sa ginawa ni Ella lalo pa ng umiyak ito, alam kong umaarte lang 'to at gusto niyang sirain pa ako lalo kay Cade.
Tulala parin ako ng dumating si Cade, "What's going on?!" Bakas ang pag-aalala nito.
Magsasalita na sana ako ng sumingit si Ella at niyakap si Cade, iyak parin ito ng iyak habang inaalo siya ni Cade.
Masama ang mga tingin ni Cade sakin, "Cade mali ang iniisip mo, wala akong-" di ko na natapos ang dapat sana'y sasabihin nang binara ako ni Cade.
"I Know you so well, Aliya." Malamig nitong turan, habang malamlam ang mga matang nakatitig sakin.
"I'm so sorry, sorry talaga Cade, di ko naman alam na magagalit pala ang asawa mo kapag pumunta ako dito. Tapos, tinikman ko lang naman yung ulam na niluto niya, sabi ko masarap, tapos nagalit siya at ibinuhos niya yung ulam sa basurahan, sorry talaga." napakasinungaling talaga ni Ella gumawa-gawa pa siya ng estorya, binabaligtad niya lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/20918169-288-k474278.jpg)
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...