Aliya's Point of View
Nagising ako sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana ng kwartong to, mataas na ang sikat ng araw, napatingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama. Alas nuebe na pala, napatingin ako sa paligid ng kwarto but there's no sign of Cadden. Kaya tumayo ako at lumabas para hanapin siya...
Parang bumilis naman ang tibok ng puso ko nang makita kong nakahandusay to sa sahig at ang daming nakakalat na lata ng beer.
"My G*d Cadden!" bulalas ko. Pilit ko tong ginigising pero parang wala lang to sa kanya, di ko rin naiintindihan ang mga pinagsasasabi nito.
Nagulat ako nang mahawakan ko ang noo nito ang init-init halatang may sinat to, bigla namang nag-ring ang phone nito kaya dinampot ko na.
Dane calling...
Dane? Sa palagay ko eto yong magandang secretary ni Cade, lagi ko kasi tong naririnig kapag may tinatawagan siya para i-set ang mga appointments niya. kaya sinagot ko na.
"Hello sir, I just want to remind you that you have a corporate meeting today..." sabi nito, ang ganda pala ng boses ng babaeng to.
"Hello, Sorry but Cadden can't made it today.." sagot ko.
"Oh, sorry kayo po pala ma'am Ella." sabi nito mula sa kabilang linya. Inaakala niya talagang ako si Ella, mapait akong napangiti, di ko naman siya masisisi wala siyang alam sa nangyayari, si Ella kasi ang pinapalabas ni Cadden na fiance niya, I can't blame her.
"I'ts okay, just make a way out of this." sagot ko na lang, sinabayan ko na lang din to sa inaakala, mas mabuti na rin ang ganito at saka, kung mag i-explain ako, masyado ng mahaba, may Cadden pa akong aasikasohin.
"But he said that this is a very important meeting ma'am... and lahat po sila ay hinihintay na siya." patuloy nito.
"But he's sick Dane, can't you make an excuse?" sagot ko.
Matagal pa bago to nakapagsalita "ahm,but... Ah, sige po ma'am... Sorry po ulit." paghingi nito ng paumanhin.
"It's okay, sadyang tinablan lang talaga ng sakit ang boss mo." sabi ko para mawala naman ang pagkailang nito, saka narinig ko tong tumawa, puputulin ko na sana ang tawag pero laking gulat ko nang may umagaw nito.
"Dane!, just tell them I'll be late for a few minutes..." sabi ni Cade habang hinihilot ang sintido.
"But sir..." may sasabihin pa ata si Dane pero pinutol na agad ni Cade.
"No 'buts' Dane." sabi nito sa cold na tono. Saka pinutol ang tawag.
"Papasok ka? Pero may sinat ka." Ako.
Nakita kong ngumiti to pero binawi naman kaagad. "Nah, I'm fine." saka to tumayo at pumasok sa kwarto.
Napahawak ako sa tiyan ng makaramdam ng gutom, kaya naisipan ko kaagad na magluto.
Inihanda ko an ang mesa, di naman kaya ng konsensya ko na ako lang ang kakain at hayaan lang siyang walang kain, kakatukin ko na sana ang pinto ng kwarto nang lumabas naman to bigla, bihis na bihis na to at handa ng pumasok sa opisina.
"Kumain ka muna." labas sa ilong na sabi ko.
Umupo naman to sa harap ko saka nagsimula ng sumubo.
"I want to go home." sabi ko na lang bigla.
"You can't." sagot nito habang patuloy parin sa pagsubo.
"Hanggang kelan mo ko ikukulong dito Cade?" naiinis kong tanong.
"Hanggang kelan ko gusto... Unless you'll promise that you'll never run away again." patuloy parin to sa pagsubo.
Di na ako umimik, tapos na akong kumain kaya nilinis ko na ang pinagkainan ko.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomantikNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...