Chapter-33 The Twist

214K 2.5K 89
                                    

Aliya's POV

Kakahatid lang ni Cadden sakin sa school, tatlong linggo na mula nang mangyari yong public proposal niya at simula nun parang nagkaroon ng isang malaking twist ang buhay ko.

Marami ng nagbago kay Cade, naging mas maalagain siya, hatid sundo niya na ako sa school, lagi niya akong pinapag-ingat dahil baka raw malaglag ang baby namin kahit wala naman talaga. Pinapatunayan niya talaga kung gaano niya ako kamahal, nakapagplano na rin kami para sa kasal.

May pagkakataon rin na napapadalas ang pagtatampo ko sa kanya dahil matagal siya kung umuwi pero iniintindi ko rin dahil nagtatrabaho siya at pinapaliwanag naman niya, ayokong bigyan ng puwang ang pagdududa sa aming dalawa ngayon.

Nakaupo ako sa bench habang hawak-hawak ang sing-sing na suot ko. Naaalala ko nanaman ang isang masamang panaginip, kinukutoban ako dahil paulit-ulit lamang to;

Ano kayang kahulugan nun?

Nakita kong ikinakasal ako kay Cadden at nang ibigay na ng ring bearer ang sing-sing, Cadden's ring was broken at nawawala ang isang pares; ang akin. Laging hanggang dun lang ang panaginip ko pagkatapos nun bigla na lang akong magigising.

Pilit ko lang isinasantabi ang kaba dahil ayokong masira ang magandang buhay na mayroon ako kasama si Cade, malaki ang tiwala ko sa kanya at hinding-hindi ako maniniwala sa kahit na anong panaginip, tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran at ang panaginip ay bunga lamang ng sobrang pag-iisip at pag-aalala.

Marami na ring nagbago sakin at marami na ring mga kulang sakin na unti-unti ng napupunan, marami ng ala-alang nagbabalik pero medyo malabo pa rin ang lahat at yun ang pakay ko ngayon kay Ashley.

Napatingin ako sa oras, alas otso na pala... Grabe maaga naman akong natulog kagabi pero bakit inaantok ako napatakip ako ng ilong ng may naamoy ako na hindi ko nagustuhan, nagpalinga-linga ako para hanapin kung saan nagmumula... Sa canteen pala.

"Hey!" nagulat ako nang may sumigaw.

"Ba't ka ba ganyan Ash?!" inis kong saway sa kanya habang nakakunot pa ang nuo.

"Grabe, ang sungit mo ata ngayon kapatid, don't tell me lalamangan mo ko." tumatawang sabi nito, di na ako sumagot, hinila ko na lang to papalayo dun sa mabahong lugar na yon.

"O, e maganda naman dun ah?" pagrereklamo nito.

"Ayoko dun, mabaho." sagot ko.

"Mabaho? di naman ah." sagot nito na ikinainis ko.

"Sige, dun kana! mukhang gusto mo dun eh." bulyaw ko.

"Grabe naman to, ang init-init ng ulo mo ah... Buntis ka ba?, kasi kong buntis ka patatawarin kita..." derederetsong turan nito.

"Buntis?... Hindi kaya?..." natigil ako sa pagsasalita dahil parang sumama ang pakiramdam ko, parang babaligtad ang sikmura ko...

Tumakbo ako sa gilid ng puno at dun na ako sumuka.

Tulala akong napaharap kay Ashley na tulala rin at nanlalaki pa ang matang nakatitig sakin.

"Whaat?!" inis kong tanong.

"Omg! As in O to the M to the G!... Buntis ka!" bulalas nito.

"H-ha?" ako.

Hinila na ako nito... "Magpapacheck-up tayo." sabi nito.

**

"Congratulation, Mrs. Monteverde you're two weeks pregnant." sabi ng doctor, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon excited rin akong ibalita kay Cadden na buntis ako.

"I'm so happy for you Aly... Dapat dobleng ingat ka na lalo pa't dala-dala mo ang pamangkin ko." sermon nito saka ako niyakap.

"Anong gagawin mo?" tanong nito nang makitang kinuha ko ang phone ko.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon