Chapter-21 The Masquerade

224K 2.9K 221
                                    

Aliya's Point of View

Calling Ashley...

Nakailang ring pa bago niya masagot ang tawag ko and my wound is bleeding . I really need a hand on this, cause I really don't know what to do and Cadden doen't have any idea about this, ayoko namang tawagan si Lance dahil baka lalo lang siyang magalit kay Cade, ayokong masira sila ng dahil lang sakin at isa pa masyado na akong dependent sa kanya.

"Hello Aly, are you crying? Si Cadden nanaman ba?" Sunod-sunod nitong tanong mula sa kabilang linya.

"Ahm, Ash I need your help. My wound is bleeding, and I don't know what to do. I'm afraid." Naiiyak kong turan.

"Wound! The hell, what wound? My God Aly..." marami pa 'tong sinasabi, alam kong natataranta na 'to ngayon, di niya pa pala alam ang nangyari sakin.

"P-Please, get me out of here..." pagmamakaawa ko,

"Where are you?" tanong nito.

"Sa bahay, Ash. Para na akong mahihilo." di naman ako mahihilo dahil sa mauubusan ako ng dugo, di naman grabe ang pagdurugo ng sugat ko, sadyang takot lang talaga ako sa dugo, kaya parang nagsisimula ng umikot ang nasa paligid ko.

"Aly listen, wag na wag mong titingnan ang sugat mo, paunta na ako dyan." Aniya.

"O-okay, just hurry please." sabi ko.

"Okay, keep calm. I'm coming, don't put your phone down." sabi nito, naririnig ko pa ang pagsampa nito sa kotse.

"I'm on my way, Aly. Hold on." sabi nito, naibsan naman ang takot ko. Mga ilang minuto lang ay narinig ko na ang pag-park ng sasakyan ni Ashley. Inalalayan niya akong makatayo hanggang sa makasakay sa kotse.

"Alam mo di ka lang tanga, OA pa." sabi nito habang nagmamaneho.

"Akala ko talaga, dugong-dugo na 'yan, halos kakarampot na dugo lang naman yan eh." pagpapatuloy nito.

"Sorry, sumakit kasi..." ako.

"Bakit naman kasi sumakit 'yan. I mean, ano ba kasing nangyari d'yan? My God Aly, ano na bang nangyayari sayo?" sabi nito habang ikinukumpas pa ang kamay.

"Pwede bang sa bahay mo na lang natin 'to pag-usapan?" pakiusap ko.

"Sabi mo eh." sabi nito, saka tumahimik na. Eto talaga ang gusto ko sa kaibigan ko, sinusunod ang gusto ko. Pagdating namin ng bahay ay nilinisan niya agad ang sugat ko saka siya naghanda ng makakain.

"Ikwento mo na Aly dali." utos nito.

"Nangyari 'to kagabi, as usual nag-away nanaman kami, di naman talaga kami magkasundo, feeling ko nga di na talaga mangyayari pang magkasundo kami." ako.

"Buti naman nagising ka na." pagpuputol niya.

"Makinig ka nga muna." ako na ikinatahimik naman niya.

"Hindi ko iniexpect na darating si Ella, akala ko kagaya ng dati gagawa nanaman sila ng kababoyan sa loob ng pamamahay namin kahit na andyan ako." pagpapatuloy ko.

"What! Kababoyan, you mean, they're doing it sa bahay niyo, kahit na andun ka?" nanlalaki pa ang mga mata nito na para bang gulat na gulat. Tumango lang ako, dahilan para umusok sa galit itong si Ashley.

"Bwiset na bwiset na talaga ako d'yan sa good for nothing husband mo, Aly ha. Naku, kung ako ikaw, pinutulan ko na 'yan, at 'yong malanding kirida niya sesementadohin ko 'yong kanya. Ahrg, ikaw? Ewan ko lang! My Ghad Aly, ikaw na si dakilang tanga!" paglilitanya nito, habang nakatayo.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon